PROUD na proud ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng isa sa mga itinuturing niyang BFF sa showbiz na si Coco Martin.
Ayon sa TV host-comedian, bago pa man sila magsimula at sumikat sa entertaiment industry ay best friends na sila ng Kapamilya Teleserye King at sa kabila ng pinagdaanang mga isyu at kontrobersya ay napanatili pa rin nila ang kanilang friendship.
Sabi pa ni Vice, super happy siya na hanggang ngayon ay magkasama at nagtutulungan pa rin sina “Tutoy” at “Dengdeng”, ang term of endearment nila para sa isa’t isa.
Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel
Muling nagkita at nagkasama sina Vice at Coco kamakalawa, February 13, sa live episode ng “It’s Showtime” kasama ang iba pang cast members ng latest ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo”.
Ang “Batang Quiapo” ang ikalawang classic movie ng yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. na ginawan ng TV remake ng ABS-CBN. Ang una nga ay ang “Ang Probinsyano,” na tumagal ng record-breaking seven years sa ere.
Pagkatapos ng guesting ni Coco sa “It’s Showtime” ay naging sentimental naman si Vice sa kanyang tweet nang replayan ang isang netizen na nag-post ng ilang video clips sa Twitter.
“Napaproud ako saming dalawa. Sobra!”
“Ang proud ko lang na mag best friend kami wala pa kami sa showbiz.
“Tapos ngayon yung bestfriend ko Primetime King na! Kakakilabot! Ang saya! Ang galing mo Deng!” mensahe ni Vice.
Nagsimula na last Monday ang “Batang Quiapo” kung saan mapapanood din sina Lovi Poe, Charo Santos, Christopher de Leon, Cherry Pie Picache, John Estrada at ilang kilalang vlogger.
Sa isang teaser na inilabas ng ABS-CBN, ibinahagi ni Coco kung gaano kaimportante para sa kanya na gumawa ulit ng panibagong kwento ni FPJ na hindi lamang siksik sa action scenes, kundi puno rin ng mahalagang aral na kapupulutan ng mga manonood.
“Napakalaking bagay nito na napapalabas namin ang kanyang mga pelikula na nagawa. Nakakapagbigay kami ng napakagandang kwento at inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino,” sabi ni Coco.
Ang “Batang Quiapo” ang magsisilbing unang sabak ni Coco bilang aktor, co-director, at co-producer sa ilalim ng CCM Film Productions kung saan ipakikita ng serye ang kagandahan ng lugar at iba’t ibang mga kwentong Pilipino mula sa Quiapo.
“Napaka-rich ng kultura niya, lahat ng mga buhay o kwento ng bawat taong nasa Quiapo. Napakalawak ng kwento at isa pa ito sa mga pelikulang talagang tumatak sa mga ginawa ni FPJ at ni Ms. Maricel Soriano,” dagdag pa ni Coco.
The post Vice super proud kay Coco: ‘Mag-BFF na kami wala pa kami sa showbiz tapos ngayon Primetime King na! Kakakilabot!’ appeared first on Bandera.
0 Comments