Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain

Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain

Sanya Lopez, Barbie Forteza at Jak Roberto

HINDI rin naging madali para sa magkapatid na Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Jak Roberto ang buhay nila noong kanilang kabataan.

Tulad ng mga kababayan natin na nagsimula sa kahirapan hanggang sa magtagumpay at gumanda ang takbo ng kapalaran, na-experience rin ng pamilya nina Sanya ang matinding kahirapan.

Knows n’yo ba na kumain din sila ng tuyo at talbos ng kamote noong mga bata pa sila at bihirang-bihira raw talaga na makakain sila sa labas at kahit sa fast food.

Emosyonal na binalikan ni Sanya sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last February 7 ang kanilang humble beginnings, kabilang na nga ang mga panahong hirap na hirap pa sila sa buhay.

Tanong ni Boy Abunda sa dalaga, “Ano ‘yung pinakamahirap na pinagdaanan n’yo as a family?”

Sagot ni Sanya, “Noong mga bata pa kami naranasan namin agad na a, mahirap pala ‘yung buhay namin akala namin normal ‘yun.


“‘Yung akala namin normal lang ‘yung kumakain lang kayo ng talbos ng kamote, ‘yung nakukuha lang diyan sa labas tapos masaya na kami kasi may bagoong, ‘yun ulam na namin ‘yun,” pahayag ng isa sa lead stars ng upcoming Kapuso series na “Mga Lihim Ni Urduja.”

Dagdag pa niyang kuwento, kinailangan din daw nila ni Jak na maghiwalay para maipagpatuloy lamang ang kanilang pag-aaral.

“Tapos hanggang sa napapansin ko na habang lumalaki kami naghihiwa-hiwalay na rin kami. Ako nasa Laguna, kuya ko nasa Bulacan, si mommy nasa Maynila nagtatrabaho,” aniya pa.

Pag-amin din ni Sanya, “Tapos may mga time din na wala pala kaming pangkain tapos uutang na lang ganu’n, parang ganun ‘yung nangyayari sa amin akala namin normal ‘yun Tito Boy.”

“Hanggang ang nangyari na napasok namin’ yung ganito na, ‘A, meron pa palang ganitong buhay,’ kasi masaya na kami nun Tito Boy e, parang ‘yung simpleng bagay na kumakain kayo nang sabay-sabay, masaya na kayo na parang ang sarap-sarap ng pagkain n’yo na may tuyo sa umaga ganyan.

“Tapos ‘yung bahay ninyo na kahit hindi naman ganu’n kaganda importante magkakasama kayo,” pagbabahagi ng isa sa mga Kapuso Primetime Princess.

Sunod na tanong ni Tito Boy, “Nu’ng una kang kumita nang malaking halaga anong ginawa mo?”

“Shinare ko ‘yun sa mommy ko tapos kumain kami sa isang fast food sabi ko, ‘Ma, masarap pala ‘to’

“Kasi usually kumakain lang kami sa fast food kapag birthday ko, kung sinong may birthday or kunwari graduation, parang ‘yun ‘yung treat namin sa isa’t isa Tito Boy,” sey pa ni Sanya na nagsimula rin sa pangangalaga ng yumaong star builder na si German “Kuya Germs” Moreno (2014).

Pagsapit ng 2016, bumida na nga si Sanya bilang si Sang’gre Danaya sa top-rating fantasy-action-drama ng GMA, ang “Encantadia.” Mas nagningning pa ang kanyang bituin nang ibigay sa kanya ang seryeng “First Yaya” noong 2021.

At ngayong 2023, bibida na naman siya sa Kapuso primetime series na “Mga Lihim ni Urduja” kasama ang mga kapwa niya Sang’gre ng “Encantadia” na sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

Magsisimula na ito next week sa GMA Telebabad, kapalit ng magtatapos nang “Maria Clara At Ibarra” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

Sanya nakapagpundar ng bahay, iba pang properties dahil sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’; Derrick walang arte-arte sa paghuhubad

Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…

Sanya mas gustong magkadyowa ng hindi artista: Sa panahon ngayon, nakakatakot makipagrelasyon sa taga-showbiz

The post Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments