Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ogie Diaz thankful kay Cristy Fermin: Hindi namin kailangang magsumbatan

Ogie Diaz thankful kay Cristy Fermin: Hindi namin kailangang magsumbatan
SA kabila ng kasalukuyang kontrobersiya ng diumano’y sumbatan sa mundo ng showbiz ay nagpapasalamat ang talent manager na si Ogie Diaz sa kolumnistang si Cristy Fermin.

Nitong Sabado, Pebrero 11 ay naglabas ng bagong episode ng “Showbiz Update” ang talent manager kung saan kasama niya sina Mama Loi at Tita Jegs.

Habang tinatalakay nga nila ang mga sinabi ni Willie sa national TV ay nagpaabot si Ogie ng pasasalamat kay Nanay Cristy.

Matatandaang naging mainit ang sagutan nina Willie at ‘nay Cristy matapos ang pa-blind item ng “Wowowin” host sa mga taong nambabatikos umano sa kanya.

Naikuwento nga ni Ogie ang mahabang pinagsamahan nila ng kolumnista.

Aniya, mahigit tatlong dekada na silang magkakilala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

“Ako na po ang magkikwento sa inyo, ako po ay galing kay Ate Cristy. Mentor ko at discoverer ko si Ate Cristy. Mula 1986 hanggang ngayon. Kami pa rin. 37 years.

“Yes, nagbabanggaan ang opinyon namin. Yes pwedeng kaliwa siya ako kanan. O kanan siya kaliwa ako. Pwedeng magbanggan ang aming paniniwala at prinsipiyo sa buhay. Pero at the end of the day, magnanay kami. ‘Di namin kailangang magsumbatan,” pagkukwento ni Ogie.

Noong mga panahon daw na walang-wala siya ay ang kolumnista ang nandyan para tulungan siya.

“Nung time na ako ay walang-wala, at kailangan ko ng guarantor para makakuha ako ng bahay, si ate Cristy ang nagbigay sa akin ng panimula. ‘Yung una kong kotse si Ate Cristy rin ang may bigay nun. hindi niya binigay kundi pay when able. Ganun siya kaluwag sa pera,” lahad pa ni Ogie.

At para sa kanila ay normal na lang sa pagsasama nila ang pagkakaroon ng tampuhan.

Sey ni Ogie, “Kaya nung mga time na may tampuhan kami, normal lang ‘yun di ba? I always tell this to ate Cristy, anumang sama kong anak at kung anumang sama mong ina magnanay tayo. Kaya thank you so much ate Cristy, at kilala mo naman ako diyos ko!”

Related Chika:
Ogie Diaz inaatake ng anxiety kaya iwas na iwas sa stress: ‘Sumusumpong siya tuwing magigising ako ng 4 a.m.’

Long Mejia naisahan na naman si Ogie Diaz

Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Cristy Fermin sinabihan si Willie na mag-sorry kina Ogie Diaz at Gab Valenciano: Ang paghingi ng tawad ay dapat pakete

The post Ogie Diaz thankful kay Cristy Fermin: Hindi namin kailangang magsumbatan appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments