Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Lovi Poe first time ‘rarampa’ sa Panagbenga Festival sa Baguio: ‘Excited na akong sumakay sa float!’

Lovi Poe first time 'rarampa' sa Panagbenga Festival sa Baguio: 'Excited na akong sumakay sa float!'

Lovi Poe

SUPER excited na ang Supreme Actress na si Lovi Poe dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama siya sa selebrasyon ng 27th edition ng Panagbenga o Baguio Flower Festival bukas, February 26.

Ayon kay Lovi, first time niyang mae-experience ang rumampa at makisaya sa annual month-long flower festival sa Summer Capital of the Philippines.

Sasakay ang Kapamilya actress at leading lady ni Coco Martin sa bagong ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo,” sa float ng Eevor Skin Care Depot o SCD.

“I’m so excited na first time akong makakasama sa Panagbenga Festival sa Baguio City at happy ako na sasakay ako sa float ng SCD family ko. Excited na akong makasama ang mga taga-Baguio on Sunday!” chika ni Lovi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


Siguradong excited na rin ang mga kababayan natin sa Baguio na makita up close and personal si Lovi lalo na yung mga nakatutok gabi-gabi sa “Batang Quiapo” na pinagbibidahan nila ni Coco.

This is the first time in three years na muling masasaksihan ng sambayanang Filipino ang Panagbenga Festival sa Baguio na nahinto dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Magsisimula ang Panagbenga Festival Parade ng 8 a.m. sa DILG/Casa Vallejo at magtatapos sa Melvin Jones Grandstand & Football Grounds.

In fairness, talagang na-miss ng mga local and foreign tourists ang flower festival sa Baguio dahil ilang araw bago pa ang mismong event ay naroon na sila para masiguro na hindi nila ito ma-miss.

Samantala, nitong nagdaang February 23 nga ay ipinakilala na ni
Grace Mangulabnan-Angeles, CEO of Eevor Skin Care Depot, si Lovi bilang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya matapos pumirma ng kontrata with her manager Leo Dominguez.

Grace Mangulabnan-Angeles at Lovi Poe

Nagsimula noong 2016 sa Olongapo City, SCD has a wide array of skin care products developed and crafted with high quality and environment-friendly ingredients. It also has various distributors and resellers across the Philippines and is set to reach the international market.

“The universe of skin care products is drastically growing. We, at SCD, set our mission based on the needs of our customers, our environment, and our advocacy to help others grow and be successful with us.

“And open an avenue for entrepreneurship and business opportunity to individuals through distribution and reselling of our products,” sabi pa ni Ms. Grace.

Dagdag pa niya, “We are responsible to give you our honest and transparent professional advice towards your specific skincare needs. We have the responsibility and duty to be ethical in all aspects especially towards our professional relationship with our customers.”

Samantala, bukod sa mga produktong ginagamit niya, ibinahagi ni Lovi sa isang panayam ang isang beauty advice para sa lahat ng kababaihan, “Another beauty tip I swear by is working out. It releases endorphins, therefore it makes me feel good.”

Float ng ‘Mamasapano: Now it Can Be Told’ sa MMFF parade walang artista, anyare?

Francine muling sasabak sa matinding dramahan, pasabog ang bagong role: Marami siyang personality pero hindi nag-iiba ng anyo, ha!

Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa…

The post Lovi Poe first time ‘rarampa’ sa Panagbenga Festival sa Baguio: ‘Excited na akong sumakay sa float!’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments