Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kasalang Maja Salvador-Rambo Nuñez tuloy na tuloy na sa July

Kasalang Maja Salvador-Rambo Nuñez tuloy na tuloy na sa July

PHOTO: Instagram/@maja

IT’S confirmed mga ka-bandera!

Siguradong tuloy na tuloy na ang pag-iisang dibdib ng talent manager-actress na si Maja Salvador sa fiancé na si Rambo Nuñez ngayong taon.

At ‘yan ay nakatakda na sa darating na Hunyo!

Ang good news ay inanunsyo mismo ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Ayon kay Tito Boy, siya na mismo ang kumausap sa kampo ni Maja upang linawin ang kumakalat na tsismis na kasal na umano ang dalawa nitong Valentine’s Day (Feb. 14.)

Sey ng TV host, “Ang kanilang statement ay sina Maja and Rambo have always been generous to the public about many things in their life, but of course they keep some certain things private, and again we respect that.”

“Pero, ang sinabi sa amin, kasal ni Maja at tsaka ni Rambo ay magaganap July of 2023,” dagdag niya.

Dahil sa exciting news ay live nang inimbitahan ni Tito Boy si Maja na ma-interview sa kanyang programa upang mapag-usapan pa ang mga detalye sa nalalapit na kasal.

“Maja, if you’re watching, I have your new number. I was trying to call you earlier. Usap tayo,” saad ng King of Talk.

Matatandaang noong Abril ng nakaraang taon ay nag-propose si Rambo kay Maja.

Naganap ang marriage proposal sa El Nido, Palawan habang nagbabakasyon kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Proud pa ngang ibinahagi ng dalawa sa social media ang ilang eksena sa kanilang wedding engagement.

Ang caption ni Maja sa Instagram, “My new beginning @rambonunez (ring, heart emojis).”

Mensahe naman ni Rambo sa isang Instagram post, “The best part is yet to come my love @maja (ring, heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez)

Related chika:

Rambo Nuñez nag-propose kay Maja habang nagaganap ang ‘Easter egg hunt’ ng pamilya; PBA bumati sa engaged couple

The post Kasalang Maja Salvador-Rambo Nuñez tuloy na tuloy na sa July appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments