Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

John Prats excited na sa pagpapakasal nina Sam at Catriona: ‘Congrats! Sobrang saya ko para sa inyo!’

John Prats excited na sa pagpapakasal nina Sam at Catriona: 'Congrats! Sobrang saya ko para sa inyo!'

John Prats, Sam Milby at Catriona Gray

KUNG may isang celebrity na talagang na-excite at sobrang natuwa sa engagement nina Sam Milby at Catriona Gray, yan ay walang iba kundi ang actor-director na si John Prats.

Isa si Pratty sa mga artistang close na close kay Sam at palagi niyang sinasabi na matagal na niyang hinihintay na mag-propose ang aktor sa kanyang beauty queen-TV host girlfriend.

Kaya naman nang ibandera na ng Kapamilya actor sa buong mundo na engaged na sila ninMiss Universe 2018 Catriona Gray, ay isa si John sa mga unang-unang bumati sa magdyowa.

Sa kanyang Instagram page, ipinaabot ni Pratty ang kanyang mensahe sa celebrity couple kalakip ang kanilang sweet photo together.

“Congrats finally! Congratulations @samuelmilby @catrionagray Sobrang saya ko para sa inyo!” ang caption ni John sa photo ng engagement post nina Sam at Catriona.

Matatandaang nabanggit na rin ng Kapamilya actor at direktor sa panayam ng “Magandang Buhay” na ang talagang wish niya kay Sam ay magkaroon na ng sariling pamilya in the near future.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)


“Same age kami ni Samuel. Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have three kids, so parang nakikita ko na, eh ang hilig niya sa bata.

“Ako my dream as a friend parang gusto ko na ma-experience niya ‘yung mag-settle. Nakikita ko na parang happy siya. Sana tuloy-tuloy,” aniya pa.

In-announce nina Sam at Cat ang kanilang engagement last Thursday night sa pamamagitan nga ng isang Instagram photo kung saan suot na ng beauty queen ang kanyang diamond engagement ring.

May hawak din silang cup na may nakasulat na “Mr. Milby” at “Future Mrs. Milby.”

“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè,” ang caption ni Catriona sa kanyang IG post.

“I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé,” ang nakasulat naman sa Instagram post ni Sam.

Unang nabalita na nagkakamabutihan na ang dalawa noong 2019 ngunit ibinandera lamang nila sa publiko ang kanilang relasyon noong kalagitnaan ng 2020.

At noong December, 2022 nag-post si Catriona sa IG ng litrato nila ni Sam na may caption na, “Today made me the happiest.”

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

Sam Milby, Catriona Gray sa ibang bansa nga ba ikakasal?

The post John Prats excited na sa pagpapakasal nina Sam at Catriona: ‘Congrats! Sobrang saya ko para sa inyo!’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments