Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Bwelta ng Star Cinema exec kay Liza: ‘Hiyang-hiya naman ako sa statements, parang walang-walang naambag sa ’yo’

Bwelta ng Star Cinema exec kay Liza: 'Hiyang-hiya naman ako sa statements, parang walang-walang naambag sa ’yo at all'

Liza Soberano

NANG mapanood namin ang “This is Me” vlog ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kahapon, Linggo ay napangiwi kami at kaagad naming naisip ang dati niyang manager na si Ogie Diaz.

Nagpadala agad kami ng mensahe sa pamamagitan ng Facebook chat kay Ogie para tanungin siya ng, “May reak ka po sa vlog ni Liza? Sabagay nagsabi naman siyang grateful siya sa narating niya kung nasaan man siya.”

Sinagot kami kaagad ni Ogie ng, “Lalabas naman bukas (ngayong araw) sa Ogie Diaz Showbiz Update, abangan mo bukas.”

Naalala rin namin ang mga executives ng ABS-CBN na sumugal noon kay Liza na umabot nang ilang taon.

Sakto, may tweet ang ABS-CBN-Star Cinema executive na si Mico del Rosario na hindi nito nagustuhan ang mga pahayag ni Liza na naging sunud-sunuran siya sa loob ng maraming taon para na rin sa kanyang ipinakikilang imahe.

At pinalalabas ding hindi naging normal ang buhay niya at sa trabaho ay paulit-ulit lang mga nakaka-work niya at ang genre ay hindi rin nababago na drama, romantic-comedy, at comedy lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Tweet ni Mico, “Hiyang-hiya naman ako sa statements. Parang walang-walang naambag sa ’yo at all ah. Kayo talagang mga kayo. hahahaha #hilap.”

Almost 500 ang nag-retweet ng statement na ito ni Mico, 799 komento at 402,500 views ng tweet na ito ng isa sa bosses ng Kapamilya network.

Tweet din ng isa pang executive ng Star Cinema na si Roxy Liquigan, “Be grateful. Not just in good times but all times.”

Nag-tweet din ang isa sa nakatrabaho ni Liza, ang screenwriter na si Mark Duane Angos at inuunawa niya ang dalaga. Nakiusap din siya sa ibang kasamahan sa industriya na unawain din dahil sa wrong choice of words at happy siya kung ano ang mararating ni Liza ngayong wala na siya sa ABS-CBN.

Tweet nito, “A friend asked me if I was hurt by Liza’s insinuation that we boxed her so hard that it drove her away from our industry. That’s a horrible take. What I got from the vlog was a person trying to figure herself out. To be fair, she’s only starting to dip her toes into writing.

“By the same token, she’s still trying to learn how to express herself better. So if she comes off hurtful to some of my colleagues, let’s be patient. She will be able to find the right words next time.

“So I wasn’t hurt. I’m actually more excited about what she will become. And I’m rooting for her with all my heart. -love, from the writer who wrote all those teleserye.”

Anyway, gusto na pala ni Liza na gamitin na ang tunay niyang pangalan na Hope Elizabeth Soberano.

JC Alcantara nahirapang gumanap bilang binatang may ASD: Hindi siya joke na i-portray, habang ina-acting ko, naiiyak ako…

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Liza ibinandera ang mga ‘ganap’ sa buhay, sey sa bagong career: I’m finally taking control of my life

The post Bwelta ng Star Cinema exec kay Liza: ‘Hiyang-hiya naman ako sa statements, parang walang-walang naambag sa ’yo’ appeared first on Bandera.


Post a Comment

0 Comments