MAY collaboration ang dalawang bigating international singers – ang American pop star na si Ariana Grande at ang Canadian singer na si The Weeknd!
Ito ang remix ng 2016 hit ng Canadian singer na “Die For You” na nakatakdang ilabas ngayong February 24.
View this post on Instagram
Sa isang TikTok post ni Ariana, makikita na abalang-abala siya sa paggawa ng kanta.
Ayon pa sa pop star, kakagaling lang niya sa napakatagal na taping pero nakapagsulat at nakapag-record pa siya ng kanta.
Caption niya, “Wrote and recorded a verse for my friend after a 14 hour day on set. This certain exception had to be made…”
View this post on Instagram
Libo-libong fans naman ang excited sa bagong release ng dalawa at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“So Exciting! Can’t wait to listen! [red heart emojis]”
“Always making magic! tone is beyond beautiful here [sparkling emoji]”
“When it’s not enough that you are the Greatest Vocalist, but you go and become the Sound Engineer and Producer as well.”
Matatandaang ilang beses ng nagkaroon ng collab ang dalawa at kabilang na riyan ang hit songs na “Save Your Tears,” “Off the Table” at “Love Me Harder.”
Ang kantang “Die For You” ay ni-release noong 2016 bilang parte ng “Starboy” album ni The Weeknd.
Samantala, mapapansin na mahigit isang taon na mula nang naglabas ng bagong kanta si Ariana.
Naging abala kasi siya taping ng upcoming musical film na “Wicked” na nakatakdang ilabas sa taong 2024.
Related chika:
Hater ‘sunog’ kay Alex: Nakausap ko si Ariana Grande, OK naman at happy siya sa married life niya!
The post Ariana Grande, The Weeknd maglalabas ng collaboration song appeared first on Bandera.
0 Comments