TALAGANG pinaghahandaan na ni Councilor Alfred Vargas ang pagsisimula ng shooting nila para sa pelikulang “Pieta” na ididirek ni Adolf Alex, Jr..
E, kasi nga, ang makakasama lang naman niya sa bago niyang movie na siya rin ang magpo-produce, ay sina Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco, Ina Raymundo, Angeli Bayani at Tommy Alejandrino.
Next week na iikot ang mga kamera para sa “Pieta” at aminado si Konsi Alfred na mixed emotions ang nararamdaman niya ngayon dahil nga isa ito sa katuparan ng matagal na niyang pangarap.
“I’m very grateful to Direk Adolf Alix na siya talagang nag-assemble nitong napakagandang pelikulang ito.
“At kay Ate Guy, the one and only Superstar Nora Aunor na because of her, andaming pinto ang nagbukas ng mga napakagandang opportunities para sa akin, at para sa marami pang mga aktor,” pahayag ni Alfred sa cast reveal ng “Pieta” kamakalawa.
Nagkatrabaho na sina Alfred at Direk Adolf sa Kapuso afternoon drama series na “AraBella” na mapapanood na sa March 6. Bida rin dito sina Camille Prats at Wendell Ramos.
“Noong nakatrabaho ko si Direk sa AraBella, ang gaan. Ang sarap katrabaho, tapos ang ganda ng show. And even way before, noong napanood ko ang ‘Donsol’ talagang sayang na sayang ako. Sabi ko, ‘Sayang, it was a role that I really wanted to do.’
“Kaso nga lang before, alam niyo, nung ano pa tayo, puro teleserye. Nagkaroon tayo yata ng Encantadia saka Daisy Siete. Pinagsasabay ko. Hindi talaga puwede na gawin ko yung Donsol.
“Pero alam ko, from the start, I wanted to work with Direk Adolf, one of the best directors of Philippine cinema today.
“Hindi lang yun, ang sarap pang katrabaho, magaan and ako, yung concept pa lang, talagang nagustuhan ko na, yung kuwento pa lang ng Pieta.
“Nagustuhan ko na talaga. And hindi ko in-expect, magiging ganito siya kaganda, you know, with the cast na ganito kabigatin. And I feel so humbled talaga,” aniya pa.
Sa tanong kung anong feeling na makakatrabaho niya sa isang pelikula sina Nora Aunor, Gina Alajar at Jaclyn Jose, “Siyempre, sino ba naman ako compared sa kanila? Napakasimpleng aktor lang ako dito. Ako ang pinakabaguhan kung tutuusin mo dito sa project na ito,” mapagkumbabang sabi ni Alfred.
“And I’m just excited. Yung excitement ko, siyempre may halong malawak at malaking kaba, pero kapantay lang din ito ng excitement ko na makatrabaho sina Tito Bembol, si Ms. Ina, si Superstar Ate Guy Nora Aunor, Gina Alajar saka si Ms. Jaclyn Jose.
“Kasi alam ko marami pa akong matututunan sa kanila. And alam ko rin naman, marami pa akong bigas na kakainin pero yun ang nag-e-excite sa akin.
“Kasi for someone like me, and feeling ko naman lahat ng artista ganito. Pangarap ng bawat artista na magkaroon ng ganitong project.
“And ito yung pangarap ko, na matutupad so. So I’m just so excited. Gusto ko na ngang mag-Day 1 ng shooting. And I can’t wait to see the final product,” pahayag pa ng aktor at public servant.
Patuloy pang kuwento ni Alfred about their new project, “Masaya na ako sa script, e. From the start, nung nabasa ko yung script, yung concept, di ba, sabi nga sa Jerry Maguire, ‘You got me at hello.’
“Ako, ‘You got me at Pieta.’ Talagang dun ako nag-ano, so wala na akong expectations. ‘Tapos, nung tinanong ko si Direk, ‘Sino yung ika-cast natin sa babae?’
“Kasi okay na ako, e. Ang approach ko initially, indie. Na puwede naman basta alam mo yung kuwento, puwede na.
“Tapos, nagulat ako, sabi ni Direk Adolf, ‘Baka puwede si Ate Guy, Nora Aunor.’ ‘Ha? Sigurado ka, Direk?! Ano ang dapat gawin?’
“So yun na nga, umakyat tayo ng ligaw, and after learning na ang dami palang projects na tinanggihan ni Ate Guy, nagulat ako, pumunta ako mismo sa bahay niya.
“And nu’ng time officially na pumayag siya, kinilabutan ako nu’n. Kasi at the same time nai-starstruck ako kay Ate Guy.
“Kasi face-to-face nandu’n kami sa bahay, kumakain. Napakabait! Yung talagang…wow, Superstar, ganito ka-humble. Tapos, yun na, nu’ng pumayag na si Ate Guy, that’s when all the doors opened. Ang dami na, dire-diretso na,” pahayag pa ni Konsi Alfred Vargas.
Aiko puring-puri ang anak ni Yorme na si Joaquin: Napakabait na bata
The post Alfred Vargas: ‘Kinilabutan ako, nai-starstruck ako kay Ate Guy! Isang Superstar pero sobrang humble!’ appeared first on Bandera.
0 Comments