Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sef Cadayona sa 25 years ng Bubble Gang: Napakaswerte namin, napakalaking blessing!

Jaclyn Jose, Sef Cadayona at Michael V

ISA sa mga masusuwerteng artista na hindi nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya ay ang Kapuso actor na si Sef Cadayona.

In fairness, hanggang ngayon ay isa pa rin sa mga pambatong komedyante ng GMA si Sef at kamakailan lang ay pumirma uli siya ng exclusive contract sa Kapuso network.

Sa panayam ng GMA sa komedyante, nabanggit niya na until now, makalipas ang ilang taon, ay bitbit pa rin niya ang lahat ng mga natutunan niya sa pagiging “StarStruck”.

Una niyang pinasalamatan ang GMA dahil sa patuloy na tiwala at suporta sa kanya. Aniya nang dahil sa mga bossing niya sa kanyang mother network ay napakaraming nagbago sa buhay niya.

“Gusto kong sabihin na very grateful ako sa GMA, not just with what I have now pero kung ano yung nakuha ko all throughout simula nu’ng nagsimula ako.

“Ang daming iqbinigay na opportunities sa akin parang noong nagsisimula ako sabi ko gusto kong makatrabaho si ganito, si ganyan, sana mapabilang ako sa show na ganito.

“Nu’ng time na nangarap ako…through the years natutupad at nabibigyan ako ng opportunities ng GMA,” aniya pa.

Sa nasabing interview, ibinahagi rin ni Sef ang mga natutunan niya bilang Kapuso sa loob ng napakahabang panahon mula noong sumali siya sa “StarStruck” at mapasali sa longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang” hanggang sa pagiging lead star ng “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.”

“Never lose the dream that you had when you were starting. Noong nagsimula ako sa GMA hanggang ngayon hindi nagbabago yung pangarap and goals ko.

“Kasi usually ‘di ba through the years nagbabago siya o parang ‘ayoko na pala ang hirap parang ‘di ko naman pala kaya yung pinapangarap ko,’ huwag, kasi time is everything,” aniya pa.

“Maga-guarantee ko na yan na time is everything na through the years yung akala kong hindi ko makukuha, makukuha ko pala hanggang ngayon keep the faith sa kung ano ang pinapangarap mo.

“Lahat naman tayo kapag bata ang taas talaga ng pangarap natin tapos eventually ‘di ba pagtanda natin parang, ‘e, ayoko na wala na akong time sa ganyan,’ pero kung talagang mahal mo yung trabaho, mahal mo yung ginagawa mo, dire-diretso lang yan e,” lahad pa ng komedyante.

At tungkol naman sa pagiging bahagi ng “Bubble Gang” na 25 years nang umeere, “Nakakataba nga ng puso e, kasi who would’ve thought na mapapabilang kami sa 25th year ng isang comedy gag show napakalaking blessing nito kasi hindi lahat mabibigyan ng pagkakataon.

“Napakasuwerte namin na mapabilang kami doon, nakita namin at nakasama kami sa experiences ng Bubble Gang through the years, ‘yun nga yung sinasabi namin, tuloy-tuloy lang po kami nandito pa rin kami,” chika pa ni Sef.

Sef, Mikee na-pressure sa pagganap bilang Bitoy at Manilyn sa ‘Pepito Manaloto’ prequel

Sef, Mikee bibida sa prequel ng ‘Pepito Manaloto’ bilang batang Bitoy at Manilyn

The post Sef Cadayona sa 25 years ng Bubble Gang: Napakaswerte namin, napakalaking blessing! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments