Nguyen Thuc Thuy Tien at Samantha Panlilio
BIGO ang bet ng Pilipinas na si Samantha Panlilio na maiuwi ang titulo at korona sa katatapos lamang na 2021 Miss Grand International.
Ngunit hindi matanggap ng Pinoy pageant fans ang naging resulta ng laban dahil feeling nila ay “niluto” umano ito ng mga organizers kaya ang banta nila ay iboykot na ng Pilipinas ang Miss Grand International.
Ginanap ang grand coronation ng ika-9 na edisyon ng nasabing international pageant kagabi sa Show DC Hall ng Bangkok, Thailand at napanood sa buong mundo via live streaming.
Si Nguyen Thuc Thuy Tien ng Vietnam ang kinoronahang Miss Grand International 2021. Tinalo niya si Miss Grand Ecuador Andrea Victoria Aguilera matapos ang naganap na tie-breaker question.
Ang tanong: Bakit ikaw ang dapat manalong Miss Grand International 2021. Sagot ni Miss Vietnam, “I’m ready to win. I’m ready to be in Thailand for a year.”
Ang iba pang winner ay sina Lorena Goncalves Rodrigues ng Brazil (2nd runner up), Miss Puerto Rico Vivianie Diaz Arroyo (3rd runner up), at si Jeane Van Dam ng South Africa (4th runner up).
Hindi pinalad na makapasok sa Top 20 semi-finalists ng 9th Miss Grand International si Samantha kaya muling nanawagan ang mga Filipino fans nahuwag nang magpadala ng kandidata ang Bb. Pilipinas Charities Inc. sa nasabing beauty pageant.
Hindi man lang naka-join si Samantha sa Top 20 sa kabila ng pagkakapili sa kanya bilang isa sa Top 10 Best in National Costume at sa Top 5 Best in Swimsuit sa pamamagitan ng online voting.
View this post on Instagram
Ayon sa mga Pinoy na tumutok sa coronation night, naging isang “cooking show” (read: luto) umano ang nasabing beauty pageant na nagsimula noong 2013 at pag-aari ng Thai TV personality na si Nawat “Angkol” Itsaragrisil.
Talagang minumura at inookray ng netizens ang organizers ng pageant sa mga comments nila sa live streaming ng Miss Grand International sa YouTube.
Bukod sa pagkatalo ni Samantha, kinukuwestiyon din ng mga pageant fans ang hindi pagkapasok sa Top 20 semi-finalists ng 9th Miss Grand International ni Miss Grand Thailand Indy Johnson.
Kung matatandaan, na-bash din ang organizers ng Miss Grand International dahil feeling nila ay nadaya rin ang bet ng Pilipinas na si Samantha Bernardo sa 8th edition ng pageant noong March 27, 2021.
Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International
Samantha Panlilio aariba na para sa Miss Grand International 2021
The post Pinoy fans inireklamo ang pagkatalo ni Samantha sa Miss Grand International 2021; Miss Vietnam naiuwi ang korona appeared first on Bandera.
0 Comments