Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Paghuhubad ni Kylie sa pelikula inookray: I’m an actress at meron pa akong pwedeng ipakita

Cindy Miranda at Kylie Verzosa

KUNG may isang mahalagang  issue na ikinatutuwa ngayon ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa, yan ay ang pagiging mas open ngayon ng mga Filipino sa mental health.

Mula noong pageant days ni Kylie hanggang ngayong nag-aartista na siya ay tuloy pa rin ang pagsusulong niya sa kanyang adbokasiya sa mental health awareness.

Natutuwa raw siya na mas marami nang tao ang aware ngayon kung paano haharapin at lalabanan ang mga ganitong problema at issue.

“Nu’ng mga 2015, 2016 hindi pa siya napapag-usapan. Pero ngayon especially since the pandemic hit and we’ve all been in isolation, our mental health needs to be taken care of now especially in young adults. 

“Anxiety, depression, social disorder because of the lack of connection that we have from other people. Ngayon Zoom na lang. 

“We weren’t able to see our friends and family so that lack of social interaction kulang din. And siyempre the pandemic made us stay at home so just being in this small bubble made us feel very unstable,” pahayag ng girlfriend ni Jake Cuenca.

Aniya pa, “So it’s still very important to take care of our mental health. Put yourself first, remind yourself to set boundaries. 

“But I’m so glad na mas napapag-usapan na siya ngayon and mas open especially the younger generations on speaking up and mas strong sila ngayon on speaking up about their mental health. 

“Sana mas ma-push pa natin and sana mas ma-put out there na we need to take care of our mental health,” positibo pang pananaw ng 2016 Miss International na bida uli ngayon sa original Vivamax original movie na “My Husband, My Lover”.

Sinagot din ni Kylie ang tanong kung naaapektuhan pa ba siya ng pamba-bash ng mga netizens lalo na sa ginagawa niyang paghuhubad sa mga ginagawa niyang pelikula.

“Ang masasabi ko lang sa kanila, thank you so much for your support for me and sana suportahan din niyo ako in this new venture of mine. 

“I’m an actress and mas meron pa akong puwede mapakita sa inyo as an actress. Thank you and I hope you guys support me still,” diin ng dalaga.


Samantala, hiningan din siya ng reaksyon sa posibilidad na dumaan na rin sa MTRCB  ang mga pelikulang ipinalalabas sa mga streaming platforms.

“I think the beauty of streaming is that hindi pa siya masyadong regulated and that’s why the content, the story, the direction is also more siguro more provocative in a way pero it’s good. 

“We’re able to tackle political issues, social issues, mas matapang yung content. Mas brave yung content. I’m not really for it pero I mean if it’s the mandate of the government then who are we to oppose?” tugon ni Kylie.

Feeling naman ni Kylie, wala itong magiging epekto sa kanyang career, “I don’t think so. The beauty of Viva is that they also give us so many options and we’re also free to choose what our career path would be so this kind of movie is only one of the many na gagawin ko and one of the many genres that are available to us. 

“So I don’t think it will hinder the career path. Pero yun yung nagawa ng pandemic, streaming was boosted so much and it gave so many more opportunities to other people, to other artists.

“So nakita du’n yung ng mga big producers and took advantage of the streaming platform. So by next year may sinehan na tayo, may streaming pa tayo. 

“Isn’t that so much better na may more opportunities for people to work and more avenues for jobs for people?” katwiran ng aktres.

Napapanood na ang “My Husband My Lover” starring Kylie Verzosa, Cindy Miranda, Marco Gumabao at Adrian Alandy sa Vivamax.

The post Paghuhubad ni Kylie sa pelikula inookray: I’m an actress at meron pa akong pwedeng ipakita appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments