Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kim sa kumalat na chika tungkol sa kanila ni Bea: Wala naman kaming isyu

Xian Lim, Kim Chiu, at Bea Alonzo

Xian Lim, Kim Chiu, at Bea Alonzo

NA-MISS na ni Kim Chiu ang umarte kaya tinanggap niya ang pelikulang “Huwag Kang Lalabas” na official entry ng Obra Cinema sa 2021 Metro Manila Film Festival sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

“Ginawa ko ‘to dahil nami-miss ko po ang umarte. Parang ang tagal-tagal na po kasi. And then, in-offer po sa akin itong movie na ‘to, and then, ‘yun nga, horror, another challenging movie for me dahil nga matatakutin po ako.

“So, ‘yun, tineyk ko po ‘yung challenge without knowing na babalik na po pala ‘yung cinemas.

“Ang sarap po ng pakiramdam na sa pagbabalik ng sinehan, kasama po kami sa mga napili ng Metro Manila Filmfest,” pagtatapat ng aktres.

Kaya naman sabi ng line producer ng pelikula na si Dennis Evangelista at supervising producer na si Joy Sison, sobrang nagpapasalamat sila dahil available si Kim na siya mismo ang nasa utak nila noong binubuo ang isang episode ng trilogy horror movie na “Hotel.”

Ang titulo ng pelikula ay hango sa viral statement ni Kim noong kasagsagan ng unang COVID-19 lockdown, ang “Bawal Lumabas” kung saan kaliwa’t kanang pamba-bash ang natanggap ng aktres.

Hindi minasama ni Kim ang mga nam-bash sa kanya bagkus ay naging positibo siya kaya hayun ginawang memes at kanta na milyones na ang kinita sa social media.

Dito humugot ang mga taong nasa likod na Obra Cinema hanggang sa mabuo na nila ang “Huwag Kang Lalabas” na sakto naman talaga sa tatlong kuwento ni direk Adolf, ang “Kumbento,” “Bahay” at “Hotel.”

Sina Jameson Blake, James Teng, Brenda Mage, Donna Carriaga, Rico Barrera, Tina Paner, at Allan Paule ang mga kasama ni Kim sa “Hotel” episode.Gumaganap si Kim bilang isang OFW na umuwi ng Pilipinas at bilang pagsunod sa health protocols ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic ay kailangan nilang mag-quarantine ng 14 days sa isang hotel sa Baguio kung saan nagsimula ang kababalaghan.

Aminado ang dalaga na matatakutin siya, pero gustung-gusto niyang gumagawa ng horror film kasi gusto niyang ma-conquer ang fear niya.

Nabanggit ni Kim na ang madalas pakitaan ng multo ay ‘yung mga nanghihingi ng tulong sa kanila, e, hindi naman daw siya pinapakitaan dahil baka raw alam na wala siyang maitutulong.

“Ayaw po nila sa akin, feeling ko po inuunahan ko na sila. Panlaban ko po ‘yung ingay ko po  Di ba ayaw ng mga multo ang maiingay?” saad ng aktres.

At inamin ni Kim na nagsusuot siya ng diamonds para hindi siya lapitan, “Magsuot po kayo ng diamonds para nasisilaw sila para pag palapit palang sila sa ‘yo, e, ayaw na nila.

“Diamond po sa tenga dapat o sa kuwintas kasi hindi na ‘yun lalapitan lalo na po pag pumunta kayo ng sementeryo, magsuot po kayo ng diamond para hindi sumama kung sinuman ‘yung gustong sumama.  Ganu’n po sa amin, sa Chinese (isa sa mga paniniwala),” seryosong sabi nito.

May nagtanong naman kung hindi raw natakot si Kim na baka tanggalin ang picture niya sa hallway ng ABS-CBN na may konek nga sa naging isyu sa kanila ni Bea Alonzo.

“Sobra kayo! Katuwaan lang namin, nilagyan kaagad ng pangalan, buti sana kung ibang tao ‘yun.  ‘Yun nga natakot din ako do’n.  ‘Yun pala ‘yun, bakit sinabi ko ba kung sino ‘yun (tinanggal) wala naman, sila lang (netizens) naglagay ng meaning,” natatawang sagot ng aktres.

Sa one-on-one interview pagkatapos ng presscon ay inulit ang tanong kay Kim tungkol sa mga larawang inalis sa hallway ng ABS-CBN para maklaro na.

“Katuwaan lang kasi namin talaga ‘yun ni Tyang Amy (Perez) kasi kinakabahan talaga kami sa Magpasikat (It’s Showtime), like super talaga ‘yung mga linggong ‘yun. Hindi namin maipaliwanag, kasi hindi aaprubahan ‘yung apoy (performance) namin.

“So, parang anong gagawin natin Tyang Amy?  Magtutula tayo do’n?  Tapos nagkataon (nakita) nagtanggalan ng pictures. Tapos sabi namin kay Kuya, sino ‘yan?  Sino diyan?  E, hindi sinasabi kung sino,” paliwanag ni Kim.

Sa tanong kung okay ba sila ni Bea Alonzo na siyang tinukoy ng netizens na tinanggal ang larawan, “Wala naman kaming isyu. Sa mga fans kasi protective sila, naintindihan ko naman. Saka nu’ng lumabas po ‘yung ano, nalaman ko po kung sino yung nandoon, charot,” natawang sabi pa nito.

Wala naman daw ipinalit sa mga tinanggal na pictures at kaya lang naman daw tinatanggal ang mga larawang naroon ay kapag wala na sa Kapamilya network.

“Parang binaba lang naman siya kapag…hindi ko po alam eh, kasi hindi naman ako ang nag-uutos kung sino ang tanggalin.  Nagkataon lang na nakita namin ni Tyang Amy.“Sabi rin ni Direk Lauren (Dyogi) bakit kasi nagtanggal nang tanghali, napahamak tuloy ‘to (sabay turo sa sarili),” tumawang sagot pa ni Kim.

Abangan ang “Huwag Kang Lalabas” sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival simula Dec. 25 sa mga sinehan at abangan din ang pagsakay ni Kim sa fluvial parade sa Dec. 19 na gaganapin sa Pasig River. Dadaan ang parada sa Pasig, Mandaluyong, Makati at Maynila.

Related Chikas:

Kim ibinuking ang pagbabaklas ng litrato ni Bea sa hallway ng ABS-CBN

Kim sumablay sa Bible verse, ninega ng bashers: Nakakabastos naman…

The post Kim sa kumalat na chika tungkol sa kanila ni Bea: Wala naman kaming isyu appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments