GOOSEBUMPS ang naramdaman nina Donny Pangilinan at Belle Mariano nang mapanood ang trailer ng una nilang pelikulang “Love Is Color Blind” na idinirek ni John Leo Garcia handog ng Star Cinema na may premiere night sa December 9 at showing ng December 10 sa iWantTFC, KTX.ph, Smart GigaPlay, Cignal Pay Per View, SKYcable PPV, at TFC IPTV.
Binigyan kaagad ng follow-up ang DonBelle love team dahil super click ang iWant series nilang “He’s into Her” na umabot sa second season.
“Oh my God, ngayon lang nagsi-sink in,” nakatawang sabi ni Belle sa ginanap na online mediacon ng “Love Is Color Blind”.
Sabi rin Donny, “Ngayon lang naming napanood na kumpleto na after all, the sound, dubbing and everything. So, goosebumps actually hindi ko alam kung paano ‘yung feeling kasi sobrang grateful lang namin, ‘yun lang masasabi namin, it’s such a blessing.”
Habang nagsasalita ang aktor ay hindi naman nawawala ang ngiti kay Belle, “now I can finally say to everyone here (mediacon), we have a movie!”
Hirit din ni Donny na super saya, “we have a movie!”
Sa trailer ay may eksenang hahalikan ni Donny si Belle habang nakapikit pero sabi ng huli, “kung anuman ang binabalak mo, ituloy mo ‘yan.” At natawa ang aktor. Kaya ang tanong ay ni-rehearse ba ito at natuluyan bang gawin.
“Ni-rehearse ba yun? Parang hindi naman. Ano lang feel the moment lang,” tawang-tawang sabi ng binata.
Ano nga ba ang kuwento ng “Love Is Color Blind”? Sa trailer kasi ay lumalabas na color blind si Donny na black and white ang paningin siya.
View this post on Instagram
Kuwento ng isa sa sumulat ng script na si Simon Lloyd Arciaga, “Basically ang nakita n’yo sa trailer is a good flow of the idea of what the story is all about but basically this movie is about friendship and how that friendship could send to something else to go beyond friendship and pair into love. Obviously, may mga challenges na dadaanan na may konting silip na sa trailer and nandoon na ‘yung color blindness na condition and basically ‘yung movie na mapapanood natin will take you to that journey of how these two people na magkaibigan will overcome these challenges.”
Naapektuhan nga ba ang emosyon ng isang tao kapag color blind siya?
“Dito kasi sa movie namin pumunta kami sa aspect ng color blindness na extreme talaga kasi may iba’t ibang types naman talaga. Sa movie pumunta kami sa struggle ng isang tao na literal nang nawalan ng kulay ang mundo niya o paningin niya and coming from Inos’ (Donny) character na isang artist it is a struggle sa kanya. Tayo pa nga lang di ba pag nawalan ng kulay ng paningin what more pa kay Donnys’ character na si Ino,” dagdag paliwanag ng isa pang writer na si Kristine Gabriel.
Natanong sina Donny at Belle kung ano ang preparations nila para sa karakter nila, isang color blind at isang super crush na crush ang lalaking hindi naman siya napapansin.
“’Yung previous role ko ay sobrang layo nga po at iba ang energy ni Kara dito as in sobrang taas na ang layo sa personality ko kaya sobrang malaking tulong po talaga sa akin ‘yung pagmo-motivate sa akin ni direk everytime magti—take kami ‘Energy! Energy!’ character analysis, script reading…” pahayag ng dalaga.
Say naman ng binatang aktor, “I actually went to a process talaga kasi dahil hindi biro ‘yung pinagdadaanan ni Ino very complex character siya. I met a color blind person talaga, so, we went to a whole interview asking him how’s the experience, when did he find out, ano yung ibang ginagawa mo, stuggles.. all the questions need to be ask.”
Tiyak na magiging running joke ang sinabi ni Belle sa pelikula na, “Hindi niya ba ako nakikita?” sa mga babaeng may gustung-gustong lalaki o tao na hindi sila napapansin.
Anyway, kasama rin sa “Love Is Color Blind” sina John Lapus, Angelina Cruz, Jeremiah Lisbo at iba pa.
Related Chika:
Donny Pangilinan, Belle Mariano natural ang pagpapakilig; bibida sa ‘He’s Into Her’
The post Donny sa kissing scene nila ni Belle: Feel the moment lang appeared first on Bandera.
0 Comments