Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Wil may ‘moving forward’ post matapos ang breakup kay Alodia

Wil may 'moving forward' post matapos ang breakup kay Alodia

TRENDING ngayon ang vlogger na si Wil Dasovich at cosplayer,gamer, at co-founder ng Tier One Entertainment na si Alodia Gosiengfiao matapos kumpirmahin ng dalaga ang usap-usapan na hiwalay na sila.

“To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives,” pagkumpirma ni Alodia sa kanyang Facebook page.

Sa kanyang Facebook live rin ay ikinuwento nito ang ilang detalye sa dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Wil.

“The decision was because we’re not compatible, I guess.

“‘Wag nang pilitin kung ‘di naman talaga. It’s not meant to be. I mean, we tried naman, ‘di ba? So carry along. ‘Di naman end of the world,” sey ni Alodia patungkol sa kanilang relasyon ni Wil.

Sa kabilang dako naman ay nananatiling tahimik patungkol sa isyu ang vlogger na si Wil ngunit mayroon itong post patungkol sa pagmo-move forward.

“Keep moving forward, because there is no other option. You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life,” saad ni Wil sa kanyang Facebook page.

Sa ngayon ay nasa Nepal si Wil para sa The World Vlog Challenge.

Marami tuloy sa mga Wilodia fans ang mas nalungkot dahil marami sa kanila ang umaasa na hahantong sa kasalan ang relasyon.

Matatandaang unang umugong ang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon matapos lumipad ni Alodia patungong Amerika para samahan si Wil na nakikipaglaban noon sa kanyang sakit na cancer.

2018 nang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

The post Wil may ‘moving forward’ post matapos ang breakup kay Alodia appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments