Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Tom payag magpaka-ander de saya kay Carla: Oo naman! Happy wife, happy life!

Tom Rodriguez at Carla Abellana

MAY pagbabago pa ba sa relasyon ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ngayong legal na ang pagsasama nila bilang mag-asawa?

Nag-share si Tom ng ilang detalye tungkol sa mga kaganapan sa married life nila ni Carla isang buwan makalipas ang kanilang intimate church wedding.

“It’s been a few weeks pa lang pero so far ganoon pa rin. We’ve been together for several years, ang nagbago lang ngayon, puwede na nating tawaging husband and wife ang isa’t isa,” pahayag ni Tom sa panayam ng GMA Network.

Aniya pa, “Nandoon ‘yung kilig ngayon kasi sinasabi kong ‘my wife’ kino-correct niya ako lagi na dapat ‘girlfriend’ pero ngayon, she’s my wife.”


Naikuwento rin ng Kapuso actor ang tungkol sa sorpresang inihanda ni Carla para sa kanya noong mismong kasal nila kung saan talagang na-feel niya ang presence ng kanyang yumaong ama.

“Marami siyang pakulo, nasa church na pala siya at naka-set up na ‘yung hat ng daddy ko. I had no idea when she pointed it out. Hindi nag-register agad sa akin nu’ng una.

“Then nu’ng reception naman, daddy ko ‘yung kumanta sa first dance namin. ‘Yun din naluha ako. Ibang klase, that day was supposed to be hers.

“Sabi ko lang ang requirement ko lang is ako ‘yung nasa tabi niya. But I wanted it to be for her, not knowing na she wanted it to be for me as well. Ganoon talaga siya, sentimental,” pahayag pa ni Tom.

Tom gusto sana ng 6 na anak, Carla umapela: Pwede siguro hanggang 2 kasi…


Kuwento pa niya, bago ang kanilang bonggang honeymoon ni Carla, plano muna nilang mag-travel ma mag-asawa kasama ang kanilang mga pamilya. 

“We’re going to do a mini family moon, naka-set na kami na mag-out of town kami with our family and I’m going to give her a proper honeymoon kapag tapos na mga commitments namin,” aniya pa.

Samantala, payag na payag naman daw si Tom na magpaka-“ander de saya” kay Carla.

Sa panayam ng “Mars Pa More” sinabi ni Tom na, “Oo! Oo! Happy wife, happy life! Pero willingly, gladly and willingly. Ibibigay ko sa ‘yo (Carla) ang pantalon.”

Ang tanong, naniniwala ba ang wifey ni Tom sa sinabi ng aktor? “Oo!” 

Sundot na tanong kay Carla, “Do you respect a man who is ‘under the saya?'” Sagot ng aktres, “Of course naman, karespe-respeto. Whether or not under the saya.”

Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!

The post Tom payag magpaka-ander de saya kay Carla: Oo naman! Happy wife, happy life! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments