HUMINGI na ng tulong ang vlogger-model na si Sachzna Laparan sa programa ni Raffy Tulfo kaugnay sa diumano’y pulis na nagbanta sa kanila.
Dito ay idinetalye ng vlogger-model kasama ng kanyang ina ang nangyaring insidente habang kumakain sila sa isang restaurant sa isang mall sa Parañaque.
Habang kumakain sila ay pina-reserve nila ang katabing table para sa kanilang kamag-anak na parating ngunit nabigla sila nang may mag-asawa na pumasok at umupo sa reserved table nila.
Nilapitan raw ito ng manager at nakiusap kung pwede itong lumipat sa ibang table dahil naka-reserve na ang inupuan nilang table pero tumanggi ito kaya sila Sachzna na lang ang nag-adjust at nagpalit ng table para sa kanilang kaanak.
Ngunit nagulat sila dahil bigla na lamang nagalit ang lalaki at naglabas ng maraming pera. Tinanong pa nito kung magkano ang bill nila at babayaran daw niya lahat ng kinain nina Sachzna. Dinuro rin daw nito ang vlogger-model at sinabing bibilhin daw siya.
“Bibilhin daw po ako, pati po ‘yung mga inorder po namin babayaran na daw po nila,” saad ni Sachzna.
View this post on Instagram
Noong una ay ayaw pang i-video ni Sachzna ang nangyayari ngunit natakot raw ito dahil parang bubunot raw ang lalaki kaya nagdesisyon siya na mag-video para may ebidensya kung ano man ang mangyari.
Matapos ang kuwento ni Sachzna ay nakipag-ugnayan si Raffy Tulfo kay NCRPO Chief Vicente Danao upang malaman kung totoo nga bang pulis ang nasa viral video ni Sachzna.
Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, maaaring maharap sa kasong administratibo ang lalaki kung sakaling mapatunayang pulis talaga ito ngunit kung hindi ay maaari itong sampahan ng criminal case.
Nanawagan naman si Raffy Tulfo sa lalaking nasa video at sinabing bukas ang kanilang programa para mapakinggan kung ano ang bersyon nito patungkol sa nangyari.
“Huwag n’yo pong gamitin ang inyong pwesto o posisyon sa pamahalaan para kayo po’y makapanglamang ng kapwa. Kayo po ay binigyan ng puwesto para protektahan [at] pagsilbihan po ang civilian population. Para protektahan po ang mga mamamayan especially pag naaagrabiyado at nalalagay sa alanganing sitwasyon. Hindi po ‘yung kayo ang mambubully sa kanila,” mensahe ni Raffy sa mga taong nasa katungkulan.
Related Chika:
Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react
The post Sachzna Laparan ipina-Tulfo ang nagpakilalang pulis sa kanyang viral video appeared first on Bandera.
0 Comments