Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Payo ni Maris sa mga aspiring content creator: Wag maging nega, gawin mo kung ano ang gusto mo

Rico Blanco at Maris Racal

NANG dahil sa pagsusulat ng inspiring songs, natutunan na ng Kapamilya singer-actress na si Maris Racal na maging confident at mas maging open-minded.

Isa sa mga naging driving force ng dalaga para i-push pa ang sarili sa pagko-compose ng kanta ay ang pagnanais niyang maka-inspire ng mga kabataang dumaraan sa iba’t ibang challenges ng buhay.

“Yun pong mga song ko I like to empower people. I like to inspire them because that is also something that I need. 

“So I write songs na isinusulat ko rin po for myself, para ma-inspire rin po ako or ma-uplift or basically what I am experiencing at the moment and what words I want to hear at that moment,” pahayag ni Maris sa panayam ng Star Magic’s Inside News.

Aniya pa, “So isinusulat ko siya. So lahat ng listeners na who are going through the same thing, ‘yun po ‘yung go-to song nila if ever na malungkot sila.”

Nito lang nagdaang September, lumikha ng ingay sa music industry ang bago niyang single na “Asa Naman,” under Balcony Entertainment na pag-aari ng boyfriend niyang si Rico Blanco at ng Sony Music Philippines na siya ring nag-produce ng kanta niyang  “Ate Sandali”.


Samantala, nagbigay din ng payo si Maris sa lahat ng aspiring content creators para mas maging effective raw sa kanilang target audience.

“Someday you’re going to find your courage and your light to start things. Ang nag-start lang sa akin is stop doubting yourself. 

“At saka ‘yung iniisip mo na negative things na mangyayari sa anumang gusto mong gawin they don’t exist yet. 

“Hindi pa sila nangyayari so huwag mong pangunahan ‘yung gusto mong mangyari,” sabi ng dalaga.
Dagdag pa ng dyowa ni Rico, “Just do what you want to do, create content na kung ano ang gusto mo. And also i-test mo rin kung ano ang gusto ng tao na mapanood from you.”

Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

The post Payo ni Maris sa mga aspiring content creator: Wag maging nega, gawin mo kung ano ang gusto mo appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments