“ANO ang ginagawa niya sa Quezon City, e, tumatakbo siyang konsehal dito sa Olongapo?” Ito ang mensahe sa amin ng kaibigan naming nakatira sa nasabing lungsod na ang tinutukoy ay si Claudine Barretto.
Ito rin ang tanong ng ilang personalidad sa kilalang manunulat kung bakit nasa Quezon City si Claudine na dapat sana ay nasa Olongapo dahil doon siya kakandidato.
Nag-post kasi ang aktres na nasa isang public hospital siya sa Q.C. para magpa-check up dahil masakit ang tummy niya na hindi raw siya inaasikaso at nag-video live pa siya pero wala namang sound kaya hindi naririnig kung ano ang sinasabi niya.
Ilang minuto lang ay tinanggal din ni Claudine ang post niya sa kanyang IG account kaya marami ang nagtataka.
Baka kasi nga nasa Quezon City siya at bakit hindi sa Olongapo hospital siya nagpa-check up?
“Hindi ba dapat naglilibot siya rito sa Olongapo?” balik-tanong sa amin.
E, masama ang pakiramdam ni Claudine kaya hindi makapaglibot kaya nga pumunta ng hospital for check-up.
View this post on Instagram
Pero hindi ito binili ng netizens dahil pagkatapos nitong burahin ang video post ay ang lumang sulat ng ex-boyfriend niyang si Rico Yan ang ipinost niya at dito na nabaling ang isyu.
Maraming netizens ulit ang nag-react dahil bakit wrong grammar si Rico at tila bago ang papel gayung 9 years nang wala ang aktor.
“Hindi ba dapat naninilaw na ‘yung papel at luma na, bakit bago pa?” ang tanong sa amin.
Dagdag pa, “Imbes na ang pangangampanya niya ang mababasa namin sa social media niya, bakit puro emote?”
Tsinek namin ang IG account ng aktres at wala nga kaming nakitang post niya at ang latest ay 16 hours ago habang sinusulat namin ito na video ng mga anak niyang nagsasayaw na ang caption ay, “My little Dancers @sab_barretto.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Claudine Barretto.
Related Chika:
Claudine galit na galit sa pinuntahang ospital: Parang sasabog ang dibdib ko!
The post Pati pagpapa-check up ni Claudine sa ospital ng Q.C. inireklamo ng netizens appeared first on Bandera.
0 Comments