Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Paglipat ni John Lloyd sa GMA kasado na raw, grand reveal babandera sa Nov. 9

John Lloyd Cruz

“WALANG duda, si John Lloyd Cruz yarn!” Ito ang nagkakaisang hula ng mga netizens sa inilabas na teaser ng GMA 7 tungkol sa isang sikat na male celebrity na magiging Kapuso na rin.

Hot topic ngayon sa social media ang ipinost sa social media ng GMA about a multi-awarded actor na nakatakda nang magbalik sa Kapuso Network.

Sa official Facebook page ng nasabing TV station makikita ang litrato ng isang “mystery actor” na super smile. May caption itong, “He’s Happy to be Back!”

Reaksyon ng mga netizens, sa ngiti pa lang daw at sa mga ngipin ng lalaking nasa cropped photo ay very obvious nang si John Lloyd ang tinutukoy sa teaser.

Isa pa sa kapansin-pansin sa mystery photo ay ang pagkaka-highlight ng mga letrang “PPY” sa salitang “happy”. 

Ang comment ng karamihan ay may konek ito sa pangalang “Popoy” na isa sa mga pinakasikat na character ni John Lloyd (sa 2007 movie nila ni Bea Alonzo na One More Chance).

Kaya naman dahil sa nasabing mga clue, halos lahat ay naniniwala na ang dating Kapamilya actor ang ipakikilala ng GMA bilang bagong Kapuso sa nakatakdang grand reveal sa Nov. 9, 2021.


Kung matatandaan, unang napanood si Lloydie sa GMA halos dalawang dekada na ang nakararaan.

Ito’y nang gawin niya ang “Sumalangit Nawa” episode ng horror-fantasy series na “Kakabakaba” noong 2000.

Una nang napabalita ang paglipat ng aktor sa Kapuso network matapos ang guesting niya sa TV special ni Willie Revillame na umere noong June 6, 2021 sa GMA. 

Ilang taon na rin ang nakararaan nang mapabalita nang muntik nang  lumipat noon sa GMA ngunit napurnada ito dahil balitang napigilan siya ng ABS-CBN.

John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

The post Paglipat ni John Lloyd sa GMA kasado na raw, grand reveal babandera sa Nov. 9 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments