Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘More Than Blue’ tagos sa kaluluwa, makaka-relate ang mga ‘wasak’ ang puso

'More Than Blue' PH film siguradong tagos sa puso

MAHIGIT dalawang taon bago ulit kami nakapasok ng sinehan para sa advance screening ng pelikulang “More than Blue” nina Yassi Pressman, Diego Loyzaga, Ariella Arida at JC Santos na idinirek ni Nuel Naval for Viva Films.

Iba talaga ang pakiramdam kapag sa big screen nanood ng pelikula kahit puro high-tech pa ang gadgets na gamit sa bahay ay iba pa rin sa sine lalo na kapag kasabay moa ng mga bida sa pelikula dahil makikita mo kaagad ang mga reaksyon nila kapag napuri sila.

Totoo nga ang sinabi ni direk Nuel, “Ang galing pala nu’ng Yassi Pressman. Ngayon ko lang kasi siya nakatrabaho, napapanood ko lang siya (FPJ’s Ang Probinsyano).”

Yes, ang husay nga ni Yassi at bagay sa kanya ang karakter niyang si Cream na ganu’n din si JC Santos na consistent sa pag-arte na may ibang ipinakita rin na hindi pa niya nagawa sa ibang romantic-comedy-drama movie niya. At yes always in love si JC sa leading ladies niya as in sobra to the max.

Sossy photographer si Ariella at kahit support siya, may moment siya at tama bagay nga sa kanya ang karakter niya.

Ang laki ng katawan ni Diego Loyzaga sa pelikula na bumagay naman bilang hunk dentist. If ever true to life ang karakter ng aktor, malamang pila-pila ang pasyente niya.

As expected, magaling ang significant other ni Barbie Imperial kaya naman super proud siya habang nanonood silang magkatabi.

May kasabay kaming nakapanood na ng “More than Blue” film ng South Korea na ipinalabas noong 2009 at umeereng Kdrama series sa Netflix ngayon, gandang-ganda siya sa Philippine remake at hindi nagpahuli sina Direk Nuel at Mel del Rosario na nagtulong para mabuo ang kuwento.

Habang papauwi kami ay iniisip namin bukod kina JC at Yassi ay sino ang babagay na gumanap na K at Cream na ka-edaran nila, parang wala.

Pero kung sa younger version ay bagay na bagay ito kina Julia Barretto at Joshua Garcia, pramis. Kaso parang malabo namang ipahiram ng ABS-CBN at Star Cinema sa Viva Films maliban na lamang kung co-produce.

Anyway, sulit ang ibabayad ng Vivamax subscribers sa “More than Blue” at ‘yung mga taga-ibang bansa na inaabangan ang pelikula at kung wasak ang puso mo, makaka-relate ka.

Related Chika:
JC Santos: Madaling umiyak pero ang pinakamahirap ay ‘yung magpipigil ka!
JC sa movie nila ni Yassi: Ito yung pinakanatakot ako nang sobra, grabe yung kaba!

The post ‘More Than Blue’ tagos sa kaluluwa, makaka-relate ang mga ‘wasak’ ang puso appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments