Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Marcos-Sara o Sara-Marcos, walang epekto sa kandidatura ni VP Leni

Bongbong Marcos Sara Duterte

Ang pag-withdraw ng certificate of candidacy ni Mayor Sara Duterte bilang mayor ng Davao City nitong Martes ay nagbigay buhay muli sa usap-usapan at haka-haka na ito ay tatakbo sa pagkapangulo o vice-president sa May 2022 sa pamamagitan ng substitution.

Kasama tayo sa maraming naghihintay sa November 15 upang malaman talaga kung sino ang tunay na kakandidato sa pagkapangulo at vice-president sa 2022 national election at ang ginawa ni Mayor Sara kahapon ay maaaring isang senyales na nagbago ang isip nito. Pero saan? Sa pagkapangulo ba o bilang vice-president? Makakaapekto ba ito sa kandidatura ng mga ibang kandidato sa pagkapangulo, lalo na kay VP Leni Robredo?

Sa ngayon, base sa lakas at suporta na ipinapakita at tinatanggap ng mga kandidato sa social media, walang duda na si VP Leni pa rin ang nangunguna. Hindi maitatanggi na kulay pink pa rin ang Facebook, Twitter, Instagram at TikTok mula ng nagkaroon ng Pink Revolution noong October 8 ng maghain ang VP ng kanyang kandidatura para sa pagkapangulo. Walang hinto hanggang ngayon sa social media ang patuloy na pagpapahayag ng mga netizen ng kanilang suporta rito. Hindi naman masasabi na gawa lang ito ng (positive) troll farm dahil mukha namang verified ang mga account ng mga supporters ng VP. Maski ang mga katunggali nito ay hindi natin narinig at sinabing mga troll lang ng VP ang may gawa ng Pink Revolution.

Leni Robredo

Hindi lang sa social media lumalamang si VP Leni, pati rin sa dami ng “warm bodies” o yung actual na mga tao na lumalahok at nagpapakita ng suporta rito. Ang sunod-sunod na pink caravan na sinimulan sa Bicol region at naganap na nationwide caravan noong October 23 at patuloy na nagaganap pa sa iba’t ibang lugar hanggang ngayon ang magpapatunay rito. Ang pink caravans ay nilalahukan mismo ng mga tao at hindi gawa ng computer o internet kaya walang duda na ito ay tunay na nangyayari. Kumbaga sa ebidensya, ito ay isang physical evidence na klarong nagpapatunay ng isang bagay o naganap.

Si VP Leni lang, sa lahat ng kandidato, ang nakikita natin na nabigyan ng ganitong suporta na direktang galing mismo sa mga tao. Kaya marami ang nagtatanong, nagtataka at nababahala kung bakit sinasabi na nangunguna daw sa mga presidential survey si Marcos. Ang mga nasabing survey ay mukhang kabaliktaran ng actual o tunay na nangyayari at ipinapakita ng mga tao.

Ngunit tila namimiligro ang kandidatura ni Marcos. Ang disqualification case na inihain laban sa kanya sa COMELEC ay may punto. Walang debate at duda na nagkaroon ng isang final judgment of conviction laban dito dahil sa hindi nito paghain (file) ng mga income tax return. Malinaw rin sa batas na may accessory penalty na kalakip ang krimen na kanyang ginawa. Perpetual disqualification o habang buhay na disqualified (o bawal) itong humawak ng public office, kasama na ang pagkapangulo ng bansa. Nasa COMELEC ang bola kung ano ang gagawin nito sa kaso ni Marcos.

Bukod sa disqualification case, nahaharap din si Marcos sa mas higit pang mabigat na problema. Ito ay kung tatakbo si Mayor Sara Duterte sa pagkapangulo sa pamamagitan ng substitution. Hindi na bago sa atin ito, ginawa at ginamit na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016

Kung ganito ang mangyayari, malaking suliranin ito para kay Marcos. Ang pagpasok sa pagkapangulo ni Mayor Sara ay direktang makakaapekto sa kanyang kandidatura. Alam nating lahat na ang botante at supporters ng mga Marcoses at Dutertes ay iisa lamang. Nabibilang sila sa isang grupo. Mahahati ang kanilang boto na maaaring ikakatalo nito.

Bongbong Marcos

Hindi rin ito maganda para kay Mayor Sara sa parehong dahilan. Bukod dito, hahatiin din ni Senator Manny Pacquiao, na taga Saranggani (at lumaki at pinanganak sa General Santos at Bukidnon), ang boto ng Mindanao kung saan sinasabing malakas ang mga Duterte.

Ang tanging nakikita nating scenario na maaaring gawin ni Marcos at Mayor Sara ay magtambalan bilang Marcos-Sara o Sara-Marcos. Pero parang mahirap isipin na bababa sa pagkabise-presidente ang anak ng dating diktador.

Ang sakaling pagpasok ng kandidatura ni Mayor Sara sa pagkapangulo (o maski sa pagkabise-presidente) ay tiyak naman na hindi makakaapekto kay VP Leni dahil ang botante at supporters ng Davao city mayor ay hindi botante o supporters ng VP. Hindi mababawasan ng boto ang VP at lalo naman walang lilipat na supporters nito sa kampo ni Mayor Sara.

Ang botante at supporters ni VP Leni ay mga taong naghahangad ng pagbabago at hindi karugtong ng isinusukang pamahalaang Duterte. Nais nila ng isang malinis at matinong pamahalaan. Hindi nila nakikita ito sa mga ibang kandidato o kakandidato.

Walang mawawala sa parte ni VP Leni kung tatakbo si Mayor Sara. Baka nga makatulong pa ito para dalhin siya sa Malacanang sa 2022.

The post Marcos-Sara o Sara-Marcos, walang epekto sa kandidatura ni VP Leni appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments