Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Manilenyo wagi ng P16M jackpot prize sa Lotto

FILE PHOTO

ISANG masaganang Pasko ang naghihintay sa isang taga-Maynila matapos mapanalunan nito ang P16.04 milyong jackpot ng 6/42 Lotto.

Ang maswerteng winning combination ay 38-41-21-28-02-13 na may kabuuang jackpot prize na P16,037,716.20 sa ginanap na bola nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa anunsyo nito ngayong Biyernes.

Binili ng nag-iisang winner sa Maynila ang kanyang ticket, ayon sa PCSO.

Tatlumpo’t apat naman ang nagwagi ng second prize at makatatanggap bawat isa ng P24,000. Tama nilang nahulaan ang lima sa anim na kumbinasyon ng nagwaging numero.

Para sa mga nanalo, maaring kubrahin ang kanilang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City. Dalhin ang nagwaging ticket at dalawang valid ID.

Para sa premyong higit sa P10,000, papatawan ito ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.

Ang premyo naman na hindi nakuha sa loob ng isang taon ay itinuturing na forfeited, ayon sa PCSO.

Para sa iba pang resulta ng Lotto, bisitahin ang Lotto section ng Bandera.

The post Manilenyo wagi ng P16M jackpot prize sa Lotto appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments