Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Maine may nakakalokang ‘nightmare’, may payo sa mga babae

Maine may nakakalokang 'nightmare', may payo sa mga babae

MUKHANG nahaharap ngayon sa isang beauty crisis ang Kapuso star na si Maine Mendoza matapos ang nakakalokang experience niya sa eyelash curler.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang nangyari sa kanyang eyelashes matapos niya itong gamitan ng eyelash curler.

“Eyelash curler nightmare!!! Swipe left to see what happens when you put too much pressure on an eyelash curler (without finger rings)

“You get a chunk of your lashes ripped out in a flash,” saad ni Maine.

Makikita naman sa litrato na halos kalahati ng eyelashes sa kanang mata ng aktres ang nawala dahil sa kanyang paggamit ng eyelash curler.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Nag-comment naman sina Iza Calzado, MJ Lastimosa, Janine Gutierrez, at Angelica Panganiban sa post ni Maine.

“Oh my… Hope they grow back fast!” comment ni Iza.

“Omg noooo! Use agad castor oil soulmeyt it’ll help them grow faster,” saad naman ni MJ.

“OMGGGG hope u are ok,” pag-aalala naman ni Janine.

“Hala maine!!” sey naman ni Angelica.

May mga netizens rin ang tila relate sa nangyari sa aktres.

Ginamit naman ni Maine ang kanyang experience para paalalahanan ang kapwa babae na maging maingat sa paggamit ng eyelash curlers.

“Girls, go easy when curling if you don’t want semi-kalbo lid.”

Nag-comment rin ang co-host ni Maine sa Eat Bulaga na si Paolo Ballesteros.

“Eto pala yung nahuli kong pumoposing ka,” pabirong saad nito at may pa-hashtag pa na “#walakongkasalananjanha.”

Related Chika:
Maine ipinagtanggol si Arjo matapos tamaan ng COVID: Marami pa kayong hindi alam sa kuwento…
Arjo Atayde aminadong si Maine Mendoza na ang ‘the one’

The post Maine may nakakalokang ‘nightmare’, may payo sa mga babae appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments