Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Lauren Young nagulat sa akting ni Klea Pineda sa ‘Never Say Goodbye’

Klea Pineda, Jak Roberto at Lauren Young

BILIB na bilib ang magaling na contravida actress na si Lauren Young sa co-star niya sa afternoon mini-series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” na si Klea Pineda.

Si Lauren ang gumaganap sa karakter ni Victoria Flores, ang legal wife ni Bruce Pelaez being played by Jak Roberto. Si Klea naman si Joyce Kintanar, ang dating karelasyon ni Bruce na may cancer.

Pahayag ni Lauren sa panayam ng GMA Network, “Napabilib ako kay Klea. Mostly because it’s my first time ever working with her and seeing her act.”

Aniya pa, kahit mabibigat ang eksena nila sa serye, nagiging magaan ito dahil sa galing ni Klea sa pagdadrama. Talagang nadadala raw ang kanyang emosyon kapag magkaeksena na sila.

“Hindi kasi ako gaanong nanonood ng TV. So, I wasn’t sure what to expect with her but when we did our scenes and lahat ng scenes namin together are mabigat, sobrang dali lang.

“Sobrang at ease ako and she was very giving as an actor. She would listen and she would react based on what I was doing. So, it was such a fun collaboration with her,” pahayag pa ng kapatid ni Megan Young sa nasabing panayam.

Isa raw sa hindi malilimutang eksena ni Lauren sa serye ay ang unang pagkikita ng kanilang mga karakter na ipinalabas last week. In fairness, talagang pinag-usapan ito ng mga netizens at Kapuso viewers.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga nakapanood sa nasabing eksena na talagang nagmarka sa mga tagasubaybay ng “Stories From The Heart.”

“Bravo team NSG! Mga ganitong eksena ang binibigyan dapat ng award!” 

“OMG!! That feeling (broken-hearted emoji).” 

“Napaiyak ako dito, grabe, ang intense!” 

“I swear naiyak talaga ako sa palabas na to.. Nadala ako.”


Kaya huwag nang bibitiw sa pasabog na finale week ng “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” na napapanood tuwing 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Las Hermanas.”

Klea Pineda mas na-feel ang pagdadrama sa ‘Never Say Goodbye’ nang ‘magpakalbo’

Lauren Young: Hindi pa ako buntis guys, pwede bang nag-quarantine weight lang nang konti?

The post Lauren Young nagulat sa akting ni Klea Pineda sa ‘Never Say Goodbye’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments