Kyline Alcantara at Mavy Legaspi
HINDI man diretsahang aminin ng Kapuso loveteam na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, ramdam na ramdam ng kanilang fans na may “something” na nga sa pagitan nila.
Sinabi naman ng dalawang youngstars na nag-level up na ang kanilang relationship pero ayaw naman nilang madaliin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang personal life.
Ayon kay Mavy, mas naging close pa sila ni Kyline nang magkasama sila sa lock-in taping para sa Kapuso primetime series na “I Left My Heart in Sorsogon” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis at Richard Yap.
Sa ginanap na virtual mediacon ng nasabing serye, natanong sina Mavy at Kyline kung ano na ba talaga ang real score sa kanilang relasyon.
Unang sumagot si Mavy, “Siyempre kami ni Kyline, matagal nang magkaibigan. Three years and siyempre, may mga feelings na nade-develop.
“Sa ngayon, for now, each and every day, nagle-level up ang relationship namin at saka yung bonding namin. You can’t help but think na sometimes nakikilig ka na, hindi na yung tipong friendship lang.
“Alam mo na may direction na, you know, different from friendship, but again, it can never the end. I’m grateful na naging close ako kay Ky and really grateful and happy that it’s such a great relationship with Kyline,” paliwanag pa ng TV host-actor.
Isa pang tinanong sa binatang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kung naniniwala pa ba siya sa konsepto ng ligawan, “Ako, ang rule talaga ni Mama at Papa sa akin, kung interested ka sa isang babae, iko-court ko talaga. So I believe in that.
“Ako mismo ang nagku-court at si Kyline na mismo ang sumagot kung paano ako nagku-court,” chika pa niya.
Natatawa namang hirit ni Kyline, “Naku, Maverick, pinahamak mo ko. Hindi joke lang.”
Sagot naman niya kung nililigawan na ba siya ni Mavy, “Siguro, maybe, this is a very showbiz answer, but I really enjoy his company.
“Like, truly, from the bottom of my heart. I really enjoy his company as friends and as…well, we don’t know the future,” aniya pa.
Pero paano nga ba niya ide-describe ang “panliligaw” ni Mavy, “He’s really a gentleman. Super! Sa lahat ng nakilala ko, siya talaga ang pinaka-gentleman sa lahat ng iyon.
“Hindi sa lahat ng nanligaw sa akin, blah, blah, blah, but sa lahat ng lalaking nakilala ko except, of course, from my loved ones or family members, siya talaga ang pinaka-gentleman to the point na nagagalit siya kapag ako ang nagbubukas ng pinto. Nakaka-dalagang Filipina,” pahayag pa ni Kyline.
Samantala, maraming magaganda at exciting experience ang magka-loveteam habang ginagawa nila ang “I Left My Heart in Sorsogon” na nagsimula na last Monday sa GMA Telebabad.
Ani Kyline, “Nakapunta na po kasi ako ng Sorsogon at sinabi ko nga po kanina, Bicolano po kasi ako. So parang it’s not that surprising for me kung gaano kaganda sa Sorsogon.
“But noong nakapunta po kasi ako sa Sorsogon for the very first time, hindi pa siya ganoon kaganda. It was quite surprising. Ang dami nang nag-evolve and na-promote na yung tourism.
“I’m taking Tourism right now at ang purpose ko naman talaga of taking Tourism is mas makilala ko pa ang Pilipinas.
“With my craft and my stage right now and with my audience, internationally and locally, mas gusto kong makita nila kung gaano kaganda at sinabi nga ni Michelle [Dee] that Philippines is a really, really beautiful place.
“At marami pang mga hidden gems dito sa Pilipinas at isa na rin diyan ang Sorsogon,” sey ng dalaga.
Chika naman ni Mavy, “I don’t get to travel around the Philippines so about Sorsogon, I don’t have information or whatsoever.
“Pero alam ko na governor is Governor Chiz (Escudero), yun lang ang alam ko sa Sorsogon. So I’m very excited na naka-travel ako sa Sorsogon.
“’Yung iba kasi, dati sa mga teleserye before, provincial show sila para mag-promote. So they got the chance to go around the Philippines. Ako naman, hindi. But I’m very excited.
“When I got to Sorsogon, it was very developed. Napaka-peaceful. It’s very quiet compared to Metro Manila that I’m very used to.
“It was such a very great experience, especially the food, the culture, the way of life doon at saka yung body clock ko, nag-iba talaga ro’n during my stay in Sorsogon.
“As you see pag dito sa Manila, puyatan. 2 a.m., 3 a.m. na natutulog. But when I got there, parang naging provincial clock.
“Tulog na ng 9, gising na ng 5. Naging normal na sa akin yun at dinala ko yun sa Manila. I’m very grateful that I was able to live in Sorsogon,” pahayag pa ni Mavy.
The post Kyline sa ‘panliligaw’ ni Mavy: Nakakadalagang-Filipina, super gentleman! appeared first on Bandera.
0 Comments