Kris Aquino at Mel Sarmiento
FINALLY, nakita na namin uling lumabas ng kanyang bahay ang nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino para magninang sa kasal ng isang kaibigan na naging parte ng love story nila ni dating DILG Sec. Mel Sarmiento.
Ito’y base sa caption ni Kris sa ipinost niyang mga larawan sa kanyang Instagram account na kuha sa dinaluhang kasal kasama ang kanyang fiancé.
Pahayag ng TV host, “Congratulations Sheryl & Kit Dichaves… Sheryl, you and @59.flowercafe have been a major part of our love story so it was really my honor to be your ninang during your very special day.
“Love talaga kita because in order for us to get home parang na tour ko na 1/4 of Cavite: our route Tagaytay, Silang, Dasmariñas, Molino Cavite extension through Daang Hari then Alabang, the Skyway and finally naka exit na to BGC. (If I missed any part of the route, I’m sorry kasi feeling ko may Imus and Bacoor kaming nadaanan but my team said NO.),” aniya.
At dahil sa sobrang tagal ng biyahe nila at ginutom kaya huminto sila sa isang fast food along the highway kaya hindi na nakapagpalit ng damit. Suot pa rin ni Kris ang blue gown samantalang naka-polo barong naman si Ginoong Mel.
“It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person.
“Sinira ni @rbchanco because sabi nya wala raw nag da-dine in naka gown and nagpapa picture lahat ng crew. I said walang basagan ng trip… I just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us. 1st time Mel & I ever ate out so you can say it was our 1st date – we won’t forget you. (emoji 4 yellow hearts).”
Sigurado kaming nagulat at tuwang-tuwa ang mga crew sa nasabing fast food dahil akalain mo, bumulaga sa harap nila ang isang Kris Aquino na sabi nga niya, ilang taon na siyang hindi pumupunta.
Anyway, natuwa rin ang followers ni Kris tulad ni @justbratzy18, “Kyooot!! Lakas maka teens, sa fastfood ang first date!! paparapapap love love love ko to. Ingat po kayo palagi. Excited na po ako sa wedding nyo.”
Gayun din si @narsgeraldfiel na nag-comment ng, “Our Queen!”
Kinilig daw si @crying.atthedisco_, “Wow not sure why pero kinilig po ako dun sa picture niyo ni sir Mel! Para po kayong galing ng prom then evening nag-date sa Mcdo hahaha! Love you po!”
Say naman ni @cruzadachristian, “Nice idols nice and beautiful people and hi and hello hello my super cutie cutie idol Kristeta and b safe and healthy and GOD BLESS idols and congrats idols sa newly wed lovely couple.”
Inakala naman ni @jerome.m.padilla na ikinasal na ang idol niya, “Ung akala ko kinasal si Madame, di ko kasi binasa ‘ung caption. Nakaka-happy na love love love na talaga si madame.”
As of this writing ay umabot na sa almost 610k ang likes at naglagay ng heart sa post ni Kris at naaliw din kaming basahin ang mahugit isang libong komento dahil karamihan ay binabati sina Kris at Sec. Mel ng “congratulations” dah na inakalang sila ang ikinasal.
Oo nga, naiinip na rin kami, kailan nga ba ang big day, Madame?
‘Da moves’ ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me!
The post Kris, Mel nag-date sa fast food: Walang basagan ng trip…ang sarap maging normal person appeared first on Bandera.
0 Comments