Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Karylle iniintrigang buntis: Tag Marites for the answer

Karylle iniintrigang buntis: Tag Marites for the answer

MARAMI sa mga netizens ang curious kung buntis nga ba ang singer at “It’s Showtime” host na si Karylle.

Ilang araw na rin kasing usap-usapan sa social media kung preggy na ba ang “It’s Showtime” host dahil napansin ng mga “Marites” tila nag-gain ito ng weight.

Kamakailan ay may ibinahaging video si Karylle sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang inang si Zsa Zsa Padilla at cute na nagba-bonding sa isang sikat na hotel sa Manila.

Dito ay kapansin-pansin na tila may “bump” sa bandang tiyan ang singer-TV host na nakasuot ng white flowy mini dress.

Kaya naman hindi na napagilan ng isang netizen na direktang tanungin si Karylle kung totoo ba ang kumakalat na chika na nagdadalangtao siya.

“Buntis na po ba si Ms. Karylle?” tanong ng isang netizen.

Sagot ni Karylle, “Pls tag Marites for the answer haha”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)

Wala pa ring kumpirmasyon kung buntis nga ba ito o hindi dahil hindi naman niya direktang sinagot ang tanong ng netizen patungkol sa diumano’y pagbubuntis niya.

Hindi naman na bago sa singer-TV host ang ma-issue na nagdadalangtao siya.

Matatandaang noong April ay nagkaroon rin ng pregnancy rumors si Karylle ngunit hindi naman ito kinumpirma ng singer-TV host o ng asawa nitong si Yael Yuson, bokalista ng bandang “Spongecola”.

Kung true man ang chika na buntis ang anak ni Zsa Zsa ay wala namang problema dahil matagal na rin silang kasal ni Yael.

Marso 2014 nang ikasal ang dalawa.

Well, abangan na lang natin ang gagawin niyang pasabog sa “Magpasikat” sa “It’s Showtime” bilang ika-12th anniversary ng naturang show kung saan ka-team niya sina Kim Chiu at Amy Perez.

Related Chika:
Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?
Karylle walang balak layasan ang ‘Showtime’, labs na labs ang madlang pipol

The post Karylle iniintrigang buntis: Tag Marites for the answer appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments