Rayver Cruz at Julie Anne San Jose
BAGO pa nabalitang naghiwalay na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez ay may mga intriga at tsismis nang kumakalat tungkol sa Kapuso actor at kay Julie Ann San Jose.
Si Rayver ang special guest ng tinaguriang Asia’s Limitless Star sa kanyang “Limitless Part 2: Heal” digital documentary concert na kinunan sa iba’t ibang lugar sa Visayas region.
May mga “sweet photos” kasi ang dalawang Kapuso stars at hosts ng “The Clash” season 4 na kumalat sa social media na pinusuan ng kanilang mga supporters.
At kuha nga ito sa ilang eksenang ginawa nina Rayver at Julie para sa “Limitless 2: Heal” online concert na mapapanood na sa Nov. 20.
Sa ginanap na virtual mediacon para sa part 2 ng digital concert ng singer-actress, sinabi niyang hindi dapat lagyan lagyan ng kulay o malisya ang friendship nila ni Rayver.
“Comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and ’yun naman talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up,” paliwanag ng dalaga.
Sa tanong kung personal choice ba niya si Rayver na maging special guest sa kanyang docu-concert, “Yes, opo, opo, napag-usapan naman din po ’yun and we all agreed and thankful din naman kami kasi he said yes.”
“Actually ano, kasi to be honest, talagang nag-list down kami ng mga possible featured artists and we all agreed na isama doon si Rayver since he’s one of my closest friends talaga sa work and even in life.
“And he’s such a good friend. And di ba, mas better kapag may kasama kang friend na alam mo ’yun, nag-iikot, travel and we’ve always been okay, we’ve always been really good and parang comfortable naman din kami, I never really had a hard time working with Rayver and I considered him as one of my closest people in my circle.
“Saka marami rin akong mga na-discover sa kanya and everything was really fun and we all enjoyed it. Actually, hindi lang ako, hindi lang kami, ’yung buong team,” paliwanag ng aktres at singer.
“Very grateful din po kami sa support po ng mga supporters naming dalawa. As a team and as individual artists,” sey pa ni Julie Anne.
May nagtanong naman kung hindi ba sila tinutukso ng kanilang mga katrabaho at kaibigan kapag magkasama sila sa set dahil in fairness, may kilig na rin ang kanilang tandem.
“Oh, ako kasi to make a team-up work, chemistry is very important. And I am also thankful to Rayver rin kasi ano siya, e, he’s such a good sport.
“And we’ve always been like really comfortable with each other, ever since and we’ve been very good, close friends. At ’yung comfortability, napakaimportante rin niyan kasi, nagre-reflect din ’yan sa trabaho. And how we execute kung ano man ang ipapagawa sa amin,” aniya.
At nang ulitin ang tanong kung natutukso sila sa set, natatawang sagot ng dalaga, “Actually, kapag sa The Clash.”
Wala naman daw awkward moments sa pagitan nila ni Rayver, “Hindi naman, actually, parang wala naman dapat awkwardness. Kasi, we’re more on tandem naman than a loveteam.
“At saka, comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and ’yun naman talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up. Thankful po talaga ako with our tandem,” diin pa niya.
Mapapanood na ang “Limitless Part 2: Heal” sa Nov. 20. Available pa rin ang tickets sa gmanetwork.com/synergy.
The post Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend appeared first on Bandera.
0 Comments