Janine Berdin at JK Labajo
KNOWS n’yo ba na marami na pala sanang maipagmamalaking awards at pagkilala ang young singer-actor na Juan Karlos “JK” Labajo sa edad na 20?
Pero aniya, hindi raw niya ito tinatanggap dahil feeling niya hindi naman ang pagtanggap ng mga trophy ang pinakadahilan kung bakit siya pumasok sa entertainment industry.
Humarap sa ilang miyembro ng entertainment press si JK kahapon para sa promo ng bagong single ng “Tawag Ng Tanghalan” champion na si Janine Berdin.
Si JK ang producer ng kanta ni Janine na “Pagod Na Ako” kaya sinuportahan niya ang dalaga sa pamamagitan ng pag-attend sa vurtual presscon nito.
Natanong ang binata kung ang nasabing collaboration nila ng Kapamilya singer ang senyales ng kanyang “comeback” sa music industry.
“No actually. I’m just really enjoying my time. I don’t know. I guess marami lang iba’t ibang bagay, there’s so many things going on internally that has to be taken cared of especially when it comes to paper and everything like that, like contracts and what not.
“I’m just enjoying my time really. I don’t have any specific comeback, ganito ganyan or JK is back. Wala naman akong planong ganun. So hindi,” paglilinaw ng boyfriend ni Maureen Wroblewitz.
Kasunod nga nito, nabanggit ng “Buwan” singer na hindi niya talaga gusto ang mga papuri at awards kaya medyo umiwas muna siya sa limelight. Hindi rin siya kumportable kapag sinasabing pwede na siyang ihilera sa mga malalaking pangalan sa showbiz industry.
“It feels nice but at the same time I don’t like it. Parang if you try to compare me to all of the actual legends in the OPM industry, I’ve made nothing but a dot in this vast circle.
“So it’s nice but I guess I’m not really into accolades and names. Marami akong awards na hindi tinanggap actually. Because back then dadrama-drama ako, so feeling ko napaka-cool kapag hindi mo tanggapin yung awards. Which nagalit si lola. ‘Bakit di mo tinanggap yung mga awards mo? Para sa akin yun,’ sabi ni lola.
“And the reasoning behind that was because I wasn’t doing it for any of those things eh. I wasn’t making music for the sole purpose of being called Asia’s next singing guy or the next total performer or whatever. I’m not after those things, eh.
“It’s really all about again being able to execute the ideas that I have and being able to put out the thing that I want to put out and share with the people,” paliwanag ni JK.
Pagpapatuloy pa niya, “Once I release something in public, that’s not my song anymore. That’s the people’s song. So for example ‘Buwan’ is the Filipino people’s song. It’s everyone’s song.
“And that’s what makes me happy kasi I look back and I see how people are consuming and listening to ‘Buwan’ and the songs that I made and that’s it. That really makes me happy. Not the awards and not the special names. Gawin na lang nilang pera yun mas matutuwa pa ako. Ha-hahaha!” ang pagpapakatotoo pang sabi ng binata.
Bukod kay Janine, abangan din daw ng madlang pipol ang iba pa niyang projects with other Pinoy local artists, “I have lots of other collaborations na hindi ko puwede sabihin kailangan may pa-surprise effect, ganu’n. Ha-hahaha!”
JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko
The post JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko! appeared first on Bandera.
0 Comments