Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Jennica na-insecure sa skin, nagtatago sa portable toilet: It was an everyday battle…

Jennica Garcia

GRABE rin pala ang pinagdaanan ng Kapuso actress na si Jennica Garcia bago niya ma-overcome ang naramdamang “insecurities” noong bumalik siya sa pag-aartista.

Ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang social media followers ang naging physical, emotional at spiritual journey niya ngayong 2021 — dito niya inamin na hindi madali ang naging laban niya para mapagtagumpayan ang mga hinarap niyang pagsubok.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Jennica ng ilan niyang litrato at ikinuwento ang naging struggle niya noong inaatake ng matinding insecurity dahil sa kanyang skin.

“If my memory serves me right, this particular scene in Las Hermanas (3rd Photo) was shot on the month of May. We wrapped up the entire teleserye come July.

“Now, it’s the month of November of the same year. I can still recall my first day at work. I would hide in a cubicle. A portable toilet for everyone to use. I would put make up on my arms (I had uneven skintone).

“My upper arm, from elbow up is lighter because I always wear Large T-shirts) and look in the mirror. I was battling my emotions. I didn’t want my tears to fall. It was an everyday battle. I have to be professional.

“I felt pain in my heart.

“I wanted to hide my face.

“I wanted to cover up every inch of my body.

“In my mind…‘Hindi na ako mukhang artista’. Nahihiya akong humarap sa mga katrabaho ko. Ang kikinis ng mga kasama ko, nahihiya ako sa kanila,” simulang paglalahad ng estranged wife ni Alwyn Uytingco.

Patuloy pa niya, “I told myself that once I get my first pay check. I will ask my children what they want and buy it for them. I will save some for rent and bills THEN I’ll go to Watsons to buy skincare. 

“Basta nakalagay sa lotion INTENSIVE, nakalagay sa body scrub result in 7 days ganyan binili ko. Ang bilis ko ma-marketing, opo. (hehe),” aniya pa.

Bukod sa pag-aalaga sa katawan, tinutukan din niya ang pag-aalaga sa kanyang mental health, “On top of taking care of my skin. I seeked help from a Doctor.

“I had sessions with Doc @TitoAlmadin for my Mental Health. I made sure to do my Daily Devotions through the Plans of YouVersion Holy Bible App (free to download on App Store).

“Come September, when my friends, cousins and siblings would see me in person. They would always say ‘Grabe yung glow up!’ Tumatawa lang ako, hindi ako naniniwala. 

“Naisip ko, dahil alam nila ang storya ng buhay ko, kaya sinasabi nila yun. Tinutulungan nila ako na bumalik ang kumpyansa ko sa sarili ko. Pero sa isip ko, hindi sila nagsasabi ng totoo, mahal lang nila ako.

“Hanggang sa nakita ko ang photo na ito (third photo). Malaki na nga ang pinagbago. Nagbunga yung paghilod hilod ko sa shower, hehe! Humaba na rin ang buhok ko at hindi na rin po ako madaling maiyak,” pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng taong nagpalakas sa kanyang loob at nakisimpatya sa mga pinagdaraanan niya, “To those leaving comments for me to read, especially to those who are saying that you are praying for me, my children, my family. 

“Know that even if I do not know you personally, you have helped me to be where I am today. Through you prayers and encouraging messages. I learned that so much beauty comes out when women empower women instead of dragging them down out of envy and their own insecurities. 

“Women NEED women and ALL of us are given the opportunity to experience Ultimate Protection that only comes from Jesus Christ. This is available to everyone who believes and chooses to walk the path Jesus has walked,” dagdag pa niya.


Sa huli, may inirekomenda pa niya sa kanyang followers na basahin ang librong, “Beyond Good Advice: Your Guide to Bible-based Counseling” lalo na sa mga dumaraan din sa madilim na bahagi ng kanilang buhay.

“I recommend that you buy and read. It has helped me in many, many ways. Wag mahihiyang lumapit sa Doctor para po sa inyong Mental Health.

“We want and need to be healthy for ourselves and the people we love. A once a month consultation can make a big difference to regain your footing.

“You are Loved. Maraming salamat po sainyo,” diin pa ni Jennica.

Alwyn tuloy ang panliligaw kay Jennica: Patawad sa lahat ng pagkakamali ko, babangon ako mahal

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

The post Jennica na-insecure sa skin, nagtatago sa portable toilet: It was an everyday battle… appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments