Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janno first time nakatrabaho sina Bing at Manilyn sa isang project: Ito na ang last time siguro

Janno first time nakatrabaho sina Bing at Manilyn sa isang project: Ito na 'yung last

MAY pamaskong handog na ang Viva Films at hindi ito sexy movie kaya puwede ito sa mga bata. Ito ay ang “Mang Jose” na pagbibidahan ni Janno Gibbs kasama sina Mikoy Morales at Jerald Napoles mula sa direksyon ni Rayn Brizuela. May advance streaming ito sa November 17 at officially mapapanood sa December 24 sa Vivamax.

Sa isinagawang virtual mediacon kaninang tanghali ay matagal nang nagawa ang pelikula na sinimulan noong late 2020 at natapos ng early 2021.

“Natagalan kasi we were trying to wait for the movie houses to open. We wanted sana in the theaters kasi nga this is a special movie for Viva, bagong super hero movie. This was shot in 8k kaya very clear talaga ang quality nito. But Vivamax came in kaya dito na kami sa Vivamax,” paliwanag ni Janno.

Kabilang sa cast ng “Mang Jose” ang ex-girlfriend ni Janno na si Manilyn Reynes kaya natanong siya tungkol dito lalo’t ka-join din ang asawa niyang si Bing Loyzaga. At ano ang naging pakiramam niya sa costume niya bilang super hero.

“’Yung costume muna, it’s great to be back in a super hero role after Pedro Penduko. This is my new Pedro Penduko, Mang Jose. Ang ganda ng costume na highlight ng movie ‘yung costume talaga, it’s a scene stealer.

“Working with Manilyn is always a pleasure. We’ve done a lot of work on TV, but sa movies sobrang tagal na naming hindi nagkakasama. So, to be with her in this movie makes it even more special,”kuwento ng komedyante.

At inamin din ng aktor na ito ang unang project na magkakasama silang tatlo nina Bing at Manilyn.

“Ito po ang first time at ito na po ang last time siguro (natawa). E, kasi pag magkasama ‘yung dalawa sa tent puro ako ang pinag-uusapan at nilalait nila. Kawawa ako,” napangiting sabi ni Janno sabay napainom ng kape.

Pero klinaro nito na walang ilangan ang dalawang aktres, “wala, we’re all good friends and proof to that is puwede ko silang iwanan sa tent na magkasama. Hindi ko lang alam kung nag-aaway sila sa loob (pag wala na Janno).”

Ang titulong “Mang Jose” ay hango sa orihinal na kanta ng Parokya ni Edgar na inirelease noong 2005 kaya natanong ang pangunahing bida kung paano nila ito nakuha para gawing pelikula.

“This is Dan Villegas and direk Antoinette Jadaone, they were the one who bought the (song). Sila ‘yung bumili ng song sa Parokya ni Edgar (at) medyo mahal ha, haha. Medyo naubos ang budget namin sa song but it was worth it,” pahayag ni Janno.

At bilang super hero ang karakter ni Janno sa “Mang Jose” ay natanong siya kung kumusta ang stunts niya rito at hindi ba siya nahirapan kumpara sa “Pedro Penduko”, 1994.

“Hindi mahirap ‘yung stunts pero mas mahirap na ngayon kasi mas matanda na ako (natawa). Bata pa ako ro’n sa Pedro Penduko (edad 25 siya noon).

“But I can assure you na mga 90 percent ng action dito, e, ako talaga at ‘yung double, e, 10 percent lang,”sabi pa ng aktor.

Halos dalawang dekada na ang nakalipas pagkatapos ng “Pedro Penduko” kaya ano ang bagong makikita sa Mang Jose o paano ito prinesenta para sa mga Gen Z ngayon.

“Para dalhin sa bagong audience ngayon, we have a very young team behind us. Direk Rayn Brizuela is very young, he’s a lot younger than me, we have Mikoy and Jerald, the cinematographer is young, the scriptwriter is young, “pangangatwiran ni Janno.

At bilang super hero ay kanino kaya gustong isalba ni Janno ang Pilipinas sa panahon ngayon.

“Siguro magtutulong si President Gibbs (character play niya sa social media) at Mang Jose para isalba ang Pilipinas sa rami ng problema at lahat ‘yun iko-convert natin into good vibes.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Anyway, ang “Mang Jose” ay nakalahok na sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa South Korea noong July. Hindi ito ang unang pagkakataon na mapasama ang pelikula ni Direk Brizuela sa isang international film festival. Ang kanyang first feature film na Memory Channel (2016) ay nakapasok sa World Premiere Film Festival.

Muli ay mapapanood ang “Mang Jose” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.

Sa Europe, mapapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan. Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, at New Zealand na rin ang Vivamax. Ngayong November 19, available na din and Vivamax sa USA at Canada.

Related Chika:
Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

The post Janno first time nakatrabaho sina Bing at Manilyn sa isang project: Ito na ang last time siguro appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments