Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Janella nag-alinlangang tanggapin ang Valentina role: Is this really for me?

Janella nag-alinlangang tanggapin ang Valentina role: Is this really for me?

KAYA naman pala kumalat na ang pangalan ni Janella Salvador na gaganap bilang si Valentina bago pa i-anunsyo ng ABS-CBN kahapon, Biyernes ay dahil nakapag-taping na pala siya.

Base ito sa panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol nitong Biyernes ng gabi.

Sabi ni Janella, “When my first taping day the other day and, so, it’s my first time to work with direct Chito and I really enjoyed it.”

Pero nu’ng ialok sa kanya ang role ay may agam-agam siya, “honest answer, at first…I was hesitant because ‘yun nga I’ve never done like this before and sabi ko, ‘kaya ko ba?’ Is this really for me? But I realized I really don’t have anything to lose, it’s an iconic role.”

Pero inamin ng aktres na noong nag-audition siya ay naisip niyang pahahawakin siya ng ahas bagay na okay naman sa kanya.

“Well, of course! The moment you auditioned for Valentina you would think hahawak ka ng ahas, so, kailangan i-consider mo na ‘yun. And sanay na sanay naman ako because I have a baby snake,” pagtatapat nito.

Si Direk Chito Rono ang pumili kay Janella bilang Valentina.

“I think she will do justices of different roles ‘yung character ni Valentina kasi nababalot ‘yung character niya sa medyo misteryoso. Janella would be not only capable but interesting to the different kinds of characters,” saad ng isa sa direktor ng “889Darna series bukod kay Avel Sunpongco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


Isa sa agam-agam ni Janella ay ang katawan niya na medyo chubby noon.

“Obviously, I just gave birth, so, physically I really had to double-up (natawa) in losing weight and obviously I’m gonna undergo training po and physical stuff,” pag-amin nito.

Kaya naman pala sumailalim noon si Janella sa liposuction kina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho para maibalik ang maganda niyang katawan base na rin sa Instagram post ng aktres noonbg Setyembre.

Ang sexy na ngayon ng mommy ni Baby Jude at bagay sa kanya ang serpent queen na dapat kasing sexy din ni Jane De Leon bilang si Darna.

Sapantaha namin kaya si Janella ang napili ni direk Chito ay dahil magaling umarte at sanay humawak ng ahas kaya hindi na siya mamumublema na matatakot ito kapag kaharap na nito ang mga ahas.

Anyway, si Janella kaya ang ka-love triangle nina Jane at Joshua Garcia? Buhay na buhay na naman ang JoshNella supporters.

Related Chika:
Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

The post Janella nag-alinlangang tanggapin ang Valentina role: Is this really for me? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments