Jake Ejercito, Janine Gutierrez at Paulo Avelino
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya star na si Jake Ejercito na isa na siyang full-fledged actor matapos ang matagumpay na first season ng seryeng “Marry Me, Marry You.”
“You know hanggang ngayon kapag nanonopd ako sometimes I still have to pinch myself kasi hindi ako makapaniwala na nasama ako sa isang napakagandang show, nakatrabaho ko si Paulo (Avelino), si Janine (Gutierrez), sila Ms. Pie (Picache) and everyone.
“I just feel very blessed na unang teleserye ko itong Marry Me Marry You kaya nagpapasalamat talaga ako,” ang pahayag ng celebrity dad sa ginanap na virtual mediacon para sa season 2 ng “Marry Me, Marry Yo.”
Tanggap naman daw ni Jake na gumaganap bilang Cedric sa nasabing romcom series ng ABS-CBN ang mga negatibo at positibong comments ng manonood tungkol sa kanyang akting.
Pero in fairness, kahit siya ang third party sa love story nina Camille (Janine) a Andre (Paulo), marami pa rin ang natutuwa sa kanyang karakter.
“Well for me I guess compliment din yun na mainis sila kay Cedric. Kapag pinapanood ko yung show, kahit ako kinikilig ako kay Camcam at saka kay Andre. Pero bilang second lead I guess compliment na rin na nainis sila kay Cedric kasi ibig sabihin nagagawa ko nang tama yung role.
“I guess as an actor I would like to explore different roles para rin ma-challenge yung sarili ko. I’m open to any roles naman, bida or kontrabida. Na-enjoy ko rin playing Cedric.
“Kasi si Cedric medyo nagiging kontrabida na so pati yung comments parang may progression din. At first naaawa sila kay Cedric, ngayon naiinis na sila at nagagalit kay Cedric. So nakakatuwa dahil they respond to what they’re seeing,” chika pa ng aktor.
Dagdag pang sey ni Jake, “As long as I have the time, minsan sumasali ako ng Twitter spaces ng fans and I’m very happy kasi every night actually may Twitter spaces.
“Nagre-react sila sa mga episodes every night kasama ng mga fans nina Ms. Shine (Sunshine Dizon), ng PauNine. So, nakakatuwa kasi they receive our show very warmly.
“Nakakatuwa talaga especially kapag tina-tag kami sa Instagram. Nakikita ko bata, matanda, minsan napupuyat pa sa kakaabang sa iWantTFC ng mga advance episodes kaya nakakatuwa rin. Nagpapasalamat talaga kami from the bottom of our hearts,” sabi pa ng anak ni dating Pangulong Erap Estrada.
Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher
Aminado naman ang binatang ama na marami pa siyang dapat matutunan sa larangan ng pag-arte, “I guess you’ll never be happy sa ginawa mo. If anything, natutunan ko mahalin. Na-enjoy ko siya. Which I guess is what’s important.
“And of course I also have to thank yung co-stars like si Janine and si Paulo and the rest of our co-stars. They were really helpful, encouraging, and very approachable. Talagang they made me feel comfortable as a newcomer,” aniya pa.
Napapanood ang season 2 ng “Marry Me, Marry You” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at iba pang digital at online platforms ng ABS-CBN.
Jake ayaw munang magkaroon ng ka-loveteam; idol sina Piolo, Coco at John Lloyd
The post Jake kinikilig sa tambalang Janine at Paulo; na-enjoy ang pagiging kontrabida appeared first on Bandera.
0 Comments