Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Heaven nagkaroon ng instant ‘Science lesson’ sa kanyang b-day post

Heaven nagkaroon ng instant 'Science lesson' sa kanyang b-day post

VIRAL ngayon ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo dahil sa kanyang 22nd birthday post.

Kinuyog kasi ng mga netizens sa comment section ang young star dahil sa naging caption nito.

“22 rotations around the sun and cheers to more.

“Grateful for all the lessons, blessing, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming.

“Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life,” caption ni Heaven.

Marami sa mga netizens ang napa-react sa paggamit ng aktres sa salitang “rotations”.

In-explain pa ni Heaven ang caption nito sa birthday post nang mag-live siya sa Instagram kasama ang kaibigan ngunit mas lalong nainis ang mga netizens dahil sablay pa rin ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

“May issue na naman sa akin. Ano ‘yun? Like sa 22 rotations? Okay. Around the sun. Okay, gets ba? Explain mo nga Bianca,” sey ni Heaven.

Pag-explain naman ng kaibigan, “Okay, ganito. Kasi di ba isang rotation around the sun is one year, so 22 rotations around the sun is 22 years.”

Kaya naman imbes na mapayapa lamang at good vibes ang kanyang post ay tila naging instant Science discussion ito.

Supposedly, mali ang nagamit ni Heaven at imbes na “revolutions” ay “rotations” ang nagamit nito.

“Science teacher left the group . Happy bday.”

“Rotation? Kasi if rotation, Earth takes 24 hrs na magrotate into its own axis. So 22 days ka pa lang? Revolution dapat kasi 365 days or 1 year.”

“Sis, revolution, Hindi rotation. Pero happy birthday paren.”

Ilan lamang ito sa mga comments ng netizen pero may isang netizen ang nag-comment at talaga namang in-explain niya nang buo ang pagkakaiba ng rotation sa revolution.

“Day, the earth revolves around the sun; hence we have 365 and 1/4 days = 1 year. Rotation = earth rotates around its axis for 23 hours, 56 minutes, and 4 seconds (rounded off to 24 hours) = 1 day. Di ako expert pero natutunan ko to sa Science class in elementary and high school.

Not bashing. Just a quick Science refresher keme. Baka kasi may mga followers na mag-attempt din to use the ‘rotations around the sun’ phrase,” pagpapaliwanag ng isang netizen.

Mukha namang nakarating na ito kay Heaven kaya naman in-edit na niya ang kanyang caption.

“Thank you for the science lessin guys!” dagdag pa ni Heaven.

Related Chika:
Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!
Heaven, Kimpoy trending sa socmed; netizens galit na galit

The post Heaven nagkaroon ng instant ‘Science lesson’ sa kanyang b-day post appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments