Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Eat Bulaga’, ‘Bubble Gang’ director Bert de Leon pumanaw na

NAGLULUKSA na naman ngayon ang mundo ng entertainment industry sa pagpanaw ng beteranong TV director na si Bert de Leon.

Bert de Leon

NAGLULUKSA na naman ngayon ang mundo ng entertainment industry sa pagpanaw ng beteranong TV director na si Bert de Leon.

Kinumpirma ng pamangkin ng veteran director na si Jonna de Leon ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account kalakip ang post ng kapatid ni Direk Bert na si Jun Toti de Leon.

“Mahal na mahal kita tito.. mahal na mahal ka namin dito.. Ang sakit sobra napakalungkot ng paglisan mo pero makakapag pahinga ka na,” aniya sa caption.

“I’m so sorry that you’ve been through a lot of pain bago ka umalis.. You’ve had a great fight Tito.

“Thank you for all the love and care you’ve given to my family mostly sa aming Ina.. Never mo kami pinabayaan and I’m so sorry na wala kami sa tabi mo to help you but we prayed a lot for your healing tito.

“Rest in Peace tito.. I promised you ako na bahala kay Mamay.. we love you so much Tito Bert De leon,” pahayag pa ni Jonna.

Nakilala si Bert de Leon bilang direktor ng “Eat Bulaga” at “Bubble Gang”. Siya rin ang nagdidirek ng weekly Kapuso sitcom na “Pepito Manaloto” na pinagbibidahan ni Michael V..

Samantala, nakiramay din ang kapwa direktor ni Bert na si Joey Reyes sa kanyang mga naulila sa  pamamagitan ng Facebook.

“You were always kind. You were always supportive of others. You were always strong at heart, remaining positive and hopeful.

“You have always remained a friend to your peers. You will be loved and remembered always, Direk.

Have a safe trip home to the waiting arms of our Father. Goodbye, Direk Bert de Leon,” sabi pa ni Direk Joey.

Nagbahagi rin ng kanyang mensahe ang singer na si Richard Reynoso sa pagpanaw ni Direk Bert, “I just learned that the industry lost another ICON, Direk Bert De Leon. If my memory serves me well, the last time I saw him was when I appeared in PEPITO MANALOTO.

“Napakadaling katrabaho, as usual cool lang siya. Aside from Pepito, Direk Bert gave us some of the funniest sitcom on national tv.

“Rest in peace, Direk Bert. And thank you for blessing us with your talent and humor,” aniya pa.

Nakiramay din ang anak ni Noli de Castro na si PTV4 General Manager Kat de Castro sa pamilya ng yumaong direktor, “You always had a warm smile every time we’d cross paths. You are so loved by many. Rest in peace Direk Bert de Leon. (heart emoji).”

Kung matatandaan, isinugod sa ospital si Direk Bert noong Hulyo matapos atakihin sa puso. Kasunod nito, sumailalim siya sa angiogram at angioplasty.

At nito lamang nakaraang buwan, naglunsad pa ng virtual fundraising  event si Bitoy kasama ang ilang mga kaibigan sa showbiz. Ito’y para makatulong sa medical needs ni Direk matapos tamaan ng COVID-19.

The post ‘Eat Bulaga’, ‘Bubble Gang’ director Bert de Leon pumanaw na appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments