Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Charlie Dizon kinabahan sa ‘Viral Scandal’: Paano ako huhugot dito, kasi ang bigat-bigat!

Joshua Garcia, Jake Cuenca, Charlie Dizon at Dimples Romana

INATAKE ng matinding nerbiyos ang Kapamilya actress na si Charlie Dizon nang magsimula ang kanilang lock-in taping para sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na “Viral Scandal”.

Si Charlie ang bida sa nasabing serye na gumaganap bilang si Rica Sicat na nabiktima ng viral scandal sa social media.

“Noong una pa lang na sinasabi sa akin ‘yung character, kinabahan na talaga ako. As in parang inisip ko paano ko ito ipo-portray ano ang ihuhugot ko rito. Kasi ang bigat, eh. 

“At hindi lang siya mabigat, sobrang complex ng character. Ang dami niyang pinagdadaanang emotion talaga,” pahayag ng dalaga sa  “Inside News” ng Star Magic.

Aniya pa, “Feeling ko dito sa project na ito ay lumabas ang lahat ng emotion ko talaga. ‘Yung iba nga hindi ko alam na mayroon pala akong ganoon na panghuhugutan.”

Nakaka-relate rin daw ang The EDDYS best actress (para sa pelikulang Fan Girl) sa karakter niya sa serye, “Parang ang bilis ko rin siyang na-relate sa akin. Ang mahirap lang siguro is hindi kami pareho nang pinagdaanan. 

“So parang hindi naman ganoon kabigat ang mga pinagdaanan ko. Pero masasabi ko na ‘yung mga times na iniisip ko kung ano ang ihuhugot sa ganoong eksena, sa ganoong emosyon parang doon ko na-realize na mayroon din palang ganoon sa akin. 

“Like ‘yung ganoon din pala ako katapang lumaban if ever, ganoon ko pala aatakihin ang sitwasyon,” chika pa ng leading lady ni Joshua Garcia sa “Viral Scandal.”

Kasama rin nina Charlie at Joshua sa “Viral Scandal” na nagsimula na last week sa Kapamilya Channel at sa iba pang ABS-CBN platforms, sina Jake Cuenca, Miko Raval at Dimples Romana sa ilalim ng RCD Narratives at sa direksiyon ni Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo.


Samantala, abot-langit naman ang papuri ni Joshua kay Charlie bilang bago niyang ka-partner sa teleserye, “Magaling siya. Grabe lahat ng mga choices dun talon sa bangin talaga, yung ganu’n. 

“Ako nagulat ako sa kanya dun kasi ibang Charlie yun sa nakilala ko ngayon. Ang galing lang. Na-appreciate ko yung trabaho niya dun. Ang galing,” aniya pa.

Hindi lang daw magaling na aktres si Charlie, “Okay siya bilang tao. Mausap, magaling siya mag-approach, approachable siya. Kaya gusto ko lang kung paano siya. Mahilig siya mag-take ng risk as a person at hindi ko masabi, eh.

“Gusto ko siya as a person. Hindi ko ma-explain yun. Wala akong masabi. Talagang tama siya talaga yung dapat na maging best actress nga talaga siya. Magaling si Charlie. Magaling naman siya sa trabaho niya and I think isa siya sa buhay sa set,” pagbabahagi pa ni Joshua. 

Dimples todo puri kay Charlie: Pakiramdam ko mas marami akong natututunan sa kanya

Joshua nanginig ang buong katawan dahil kay Charlie; ABS-CBN tuloy ang mga ‘pasabog’ para sa buong mundo

The post Charlie Dizon kinabahan sa ‘Viral Scandal’: Paano ako huhugot dito, kasi ang bigat-bigat! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments