Beatrice Gomez
TALAGANG mina-master na ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang kanyang level-up at pasabog na “pasarela walk” para sa 70th edition ng Miss Universe.
Gaganapin ito sa Eliat, Israel sa darating na Dec. 12, kaya naman todo na ang ginagawang training ngayon ng Cebuana beauty queen.
Ayon sa dalaga, may bago siyang ipakikitang style ng pasarela walk kapag rumampa na siya sa Miss Universe pageant kasama ang iba pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng universe.
Sa isang video na in-upload ni Ian Lorenz Mendajat mula sa Aces & Queens na isa sa mga nag-train kay Bea, nagpasampol ang dalaga sa kanyang pasabog na lakad kung saan ibinandera rin niya ang kanyang winning form.
Samantala, bukod sa panglabang lakad, nagpunta rin si Bea sa Embassy of Israel dito sa Pilipinas kung saan nakilala niya nang personal ang Israeli Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss, at iba pang mga consul.
Dito, nagkaroon siya ng chance na magkaroon ng maikling tutorial tungkol sa kultura na mga taga-Israel para kahit paano’y may idea na siya kung paano makitungo at makipag-usap sa mga Israeli.
Usap-usapan na rin ngayon ang mga bonggang gown at national costume na irarampa ni Bea sa Miss Universe pageant. Bukod daw sa mga gown na gawa ni Francis Libiran, may 30 OOTD pang bibitbitin ng beauty queen sa Isarael na ang tema at konsepto ay “sustainable fashion.”
Sa ngayon ay humihingi ng suporta ang Team Bea sa ginaganap na online voting na makikita sa Miss Universe website at Miss Universe mobile app. Kung sino ang makakakuha ng pinakamataas na boto ay sigurado nang pasok sa semifinals.
“Hopefully, before I get into the bubble and we fly to Israel, I will be able to do face-to-face training.
“I can really feel the difference between face-to-face training and online training. Iba talaga ‘pag nakikita mo ‘yung audience or the person you’re talking to kasi mas aware ka sa gestures mo,” ang pahayag ni Bea sa isang interview.
Pag-amin pa niya, “I still find it hard to really interact with other people because I was very much an introvert.
“I just pushed myself way past the limits to get into the Miss Universe Philippines competition and if there’s something that I really want to improve on, that is my public speaking skills.
“So I hope that after all of my training when I get to Israel, I will be a good spokesperson for the Philippines and a representative of the causes that I stand for.
“I’m very excited to say we are looking forward to something that’s different than my usual fashion statement,” aniya pa.
Pakiusap naman ng dalaga sa lahat ng kanyang mga tagasuporta, “We have to be kinder to all the women who are joining beauty pageants because what we are going through is not as easy as it looks like. We prepared so much for this, and we also go through a lot just by being here.
“Especially in the time of the pandemic, we had so many difficulties and we are already pressured by the people that we represent. If they think that their comments can help the girls in a positive way, then they should be just kinder along to the words that they express in social media,” pahayag pa ni Bea na nakatakda nang lumipad pa-Israel sa darating na Nov. 27.
Kung susuwertehin, si Bea ang magiging ikalimang Filipina na makapag-uuwi ng titulo at korona ng Miss Universe. Si Catriona Gray ang huling Pinay na nakasungkit ng Miss Universe title noong 2018 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Bea Gomez sa suot na 2021 Miss Univese PH crown: Ayoko talagang matulog, baka dream lang ang lahat!
The post Bea Gomez may level-up pasabog na pasarela walk; gusto pang ma-improve ang ‘public speaking skills’ appeared first on Bandera.
0 Comments