Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Alexa may body dysmorphia: Lagi kong naririnig ‘ang taba mo, magpapayat ka, wala kang project kasi mataba ka’

Alexa Ilacad

MAY kilala ba kayong kapamilya, kaibigan o katrabaho na may mental health condition na “body dysmorphia”?

Pagkatapos talakayin ang deficit hyperactivity disorder (ADHD) sa nakaraang episode ng “Pinoy Big Brother”, ipinaliwanag din sa Kapamilya reality show ang tungkol sa mga taong nararanas ng body dysmorphia.

Ito’y isang mental health condition  kung saan masyadong pinoproblema ng isang indibidwal ang kanyang kakulangan lalo na sa itsura o pisikal na kaanyuan.

Sa isang episode kasi ng “PBB 10”, nag-open up ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad tungkol sa tumitinding insecurity niya sa kanyang timbang na nagsimula pa noong pumasok siya sa showbiz.

“All my life lalo na growing up in the industry, all I’ve been hearing is ‘ang taba mo, magpapayat ka, wala kang project kasi mataba ka.’ That stuck in my head forever. 

“Kahit si Justin Bieber pa magsabi sa akin na ang ganda-ganda ko o ang ganda ng katawan ko hindi ko siya kayang paniwalaan,” pagsusumbong ni Alexa sa kapwa housemate na si Benedix Ramos.

Dahil dito, binigyan ni Big Brother ang dalaga ng pagkakataon na makausap ang resident psychologist-psychiatrist ng “PBB” na si Dr. Randy Dellosa.

“Sabi niya, he maybe diagnosing me with major depressive disorder caused by body dysmorphia,” ang umiiyak na sabi ni Alexa kay Kuya.

“I see myself differently than how it looks. When I look in the mirror I feel disgusted. I despised the person I see in the mirror,” ang sabi pa ng aktres na umaming madalas niyang ikumpara ang sarili sa mga babaeng payat.

“I just never got the help that I need. Now, I know ito pala yun. I’ve been in the industry for more than half of my life, starting as a kid. I never was the thin type. 

“My body type was different from all the other girls. That made me hate myself. I tried all kinds of diets, workout,” aniya pa.


Sabi ni Dr. Dellosa, ang body dysmorphic disorder (BDD) ay isang “elevated feeling of insecurity about one’s appearance.”

“Kailangan natin maintindihan, naiiba yung normal insecurities. Sa normal insecurities natin, naba-bother tayo but we can let it go. Whereas sa BDD, du’n sila obsessed, du’n sila nagpo-focus.

“Alam naman natin yung value sa entertainment industry ay yung physical na itsura, good looks. Siyempre nakakapag-pressure yun sa tao,” sabi pa ng doktor.

Payo naman ni Big Brother kay Alexa, “Huwag mong maliitin ang nararamdaman mo. Ikinalulungkot ko ang pinagdadaanan mo. ‘Wag mong isipin na hindi nila kayang maintindihan. Don’t count your housemates out.” 

Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

The post Alexa may body dysmorphia: Lagi kong naririnig ‘ang taba mo, magpapayat ka, wala kang project kasi mataba ka’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments