Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

#WeWearPink: Celebs nagparamdam ng suporta kay VP Leni sa pagtakbo sa 2022

NAKAPAGPALIT na ba ang lahat?

Mukhang pink is the new color for 2022 matapos ang anunsyo ni Vice President Leni Robredo sa kaniyang pagtakbo bilang presidente sa darating na national elections.

Marami sa mga netizens ang nagdiriwang dahil sa halos ilang buwan na antisipasyon kung tatakbo nga ang ginang ay pormal na niyang tinuldukan ito nang ibalita nitong buo ang kaniyang loob sa pagtakbo.

Marami rin sa mga celebrities ang nag-post ng kulay pink o kaya naman ng kanilang litrato kasama si VP Leni tanda ng pagsuporta nila sa kasalukuyang bise presidente.

“Maraming salamat VP @lenirobredo. Makakaasa ka ng suporta at pakikibaka sa laban na to… Pledging my support for a better and safer future of the Philippines,” saad ni Enchong kasama ang litrato nila ng bise presidente.

Isang larawan naman na may pink skies ang naging entry ni Chynna Ortaleza.

“Within this pandemic we were blessed with a number of pink skies. The hue that God gave us would always be a good reminder for my family to look up. Hope felt real inside the darkness. Today.. I am thankful for the gift of hope.

“I will keep on praying for you VP Leni! Thank you. From one mother to another. Thank you,” saad ni Chynna.

Di naman papakabog ang aktres na si Agot Isidro at nag-post ng kaniyang selfie with her pink lipstick.

“Handa na ba kayooooo? #LabanLeni2022,” sey nito.

Nag-post rin sina Lara Quigaman at Rica Peralejo ng kanilang pink entry sa Instagram.

Samantala, nagpalit rin sina K Brosas, Antoinette Jadaone, at iba pa tanda ng kanilang pagsuporta kay VP Leni.

The post #WeWearPink: Celebs nagparamdam ng suporta kay VP Leni sa pagtakbo sa 2022 appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments