“Parang kailan lang iisa lang ang sapatos at pinagsasabihan pa naming mag-ayos sa pananamit lalo na kung may formal na lakad,” ito ang kuwento ng talent manager sa kaibigan na manager na ngayon ng kilalang beauty queen.
Matagal kaming hindi nakapagkuwentuhan ng kaibigan naming talent manager ng mga sikat na artista dahil lumayo muna siya sa ingay ng showbiz.
“Nagbakasyon muna ako sa probinsya namin, fresh air at fresh lahat ng kinakain ko. Magulo rito sa Manila, lalo na ‘yang covid na ‘yan.
“Pero siyempre kailangan kong lumuwas, ang mga alaga, panay na ang tawagan kasi maraming dapat ayusin sa mga project at meeting sa mga offers nila,” kuwento ng talent manager.
Hanggang sa napunta ang usapan sa isang project na mas pinili ang alaga niya kaysa sa beauty queen na alaga ng dati niyang bestfriend na manager din.
Masyado raw mahal ang talent fee ng beauty queen kaya hindi kinaya ang budget at mas pinaboran ang alagang modelo nitong kausap naming talent manager.
“Itong si (talent manager) nagmaganda pa raw sabi ng agency. Kesyo wala na raw makukuhang mas mura at mas maganda sa talent (beauty queen) niya. E, malamang alam na niya na alaga ko ang ipinalit, ha, haha.
“Kaibigan ko ‘yan, halos kasabayan ko ‘yan sa rampahan, magkakasama kami noon nina (kilalang talent manager din pero nasa heaven na) at pinapayuhan namin.
“Kasi siyempre nagsisimula palang siya noon pero marami na siyang anda kasi dami na siya alaga. Sabi ko bumili ng pang pormal na damit at sapatos kasi ang dami-daming events na pinupuntahan namin noon. Mga fashion shows. E at that time may mga obligasyon pa siya sa family kaya nagtitipid.
“Medyo matagal kaming hindi nagkita, so nu’ng nagkita ang saya-saya, kumustahan, naloka lang ako, ang laki na ng ipinagbago. Nilalait na ‘yung mga kasama namin. Sinabihan ko siya na ‘wag ganu’n kasi nagsimula rin siya sa wala.
“Ang dami-dami niyang katwiran, hindi na siya belong sa ganu’n grupo, e, san ba siya nagsimula? Sino ba umalalay sa kanya noon?” mahabang kuwento ng kausap naming talent manager.
Ang binabanggit na manager ng aming kausap ay nakarating na sa maraming bansa dahil sa mga kuneksyon niya dahil sa alaga niyang beauty queen.
“Porke’t rubbing elbows na siya kung kani-kanino nag-iba na ang ugali niya? Tigilan niya ako. Sinabihan ko siya, ‘’wag kang ganyan. Dapat humble ka pa rin. Alam mo kung saan ka galing at maraming nakakaalam n’yan. Hayun inismiran ako, ha, haha.” Tumatawang kuwento sa amin.
Oo nga nakilala rin namin ang talent manager noon na hindi pa kaputian ang suot na pantalon at polo, ngayon ay nakakasilaw na sa puti kaya malaki na ang ipinagbago.
* * *
Bongga ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin dahil ipapalabas ang ikalawang season nito sa Vietnam ngayong Linggo, Oktubre 17.
Mapapanood na ng Vietnamese viewers ang bagong yugto sa kwento ni Cardo simula ngayong Oktubre 17 tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo sa HTV9 channel.
Sa nakalipas na anim na taon ng serye, dumami pa ang mga taong sumusubaybay sa longest-running Pinoy action-drama series sa bansa. Bukod sa Vietnam, napapanood din ang episodes nito sa Netflix at The Filipino Channel at ipinalabas sa TV sa Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.
Sa pagpapatuloy naman ng kwento ng kasalukuyang season nito, nagkakagulo na ang mga kaaway ni Cardo dahil nagsisimula nang planuhin ni Arturo (Tirso Cruz) kung paano niya maiisahan ang boss niyang si Lily (Lorna Tolentino) at ang makapangyarihang si Renato (John Arcilla). Problemado si Lily dahil ayaw siyang tulungan ni Arturo pagkatapos mahuli ang kasosyo niyang si Lito (Richard Gutierrez) ng grupong Black Ops na pinamumunuan ni Albert (Geoff Eigenmann).
Malaking problema rin ang hinaharap ni Renato dahil bukod sa pagkakapaslang ng malapit niyang tauhan, nabuntis din ng impostor na presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) ang sekretarya nito. Sa oras na malaman ng publiko ito, magiging malaking iskandalo ang balita na maaaring makasira sa pagkakandidato ni Renato sa paparating na halalan.
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang https://ift.tt/2Bcpab0.
Karagdagang ulat:
Beking talent manager hirap na hirap kalimutan ang nakarelasyong BL actor
Fans inireklamo ang relasyon ng beking manager sa BL actor; nagkainlaban o ilusyon lang?
The post Talent manager, nagbago na; nagmamaganda dahil may alagang beauty queen appeared first on Bandera.
0 Comments