Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sigaw ng fans nina Beauty at Kelvin: Please naman GMA, sana may book 2 ang Miss Bridgette!

Adolf Alix, Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda

FINALE week na ng hit Kapuso afternoon series na “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette na pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Kaya naman feeling sentimental ang mga Kapuso viewers na inaatake na ng “sepanx” o separation anxiety sa nalalapit na pagwawakas ng seryeng hindi nila binitiwan mula nang mag-start ito last month.

In fairness, puro positibo at magaganda ang mga nababasa naming comments ng manonood para sa serye at sa tambalan nina Beauty at Kelvin kaya nga ang request nila sa GMA — sana may book 2 dahil bitin na bitin sila sa nakakaaliw, nakakatuwa at nakaka-inspire na kuwento nina Marcus at Miss Bridgette.

Narito ang ilang komento ng BANDERA readers sa naisulat naming artikulo tungkol sa pagtatapos ng “Loving Miss Bridgette.”

“Sana my book 2 plz sana pakinggan nila hiling namin plz maraming nanood dito.”

“Sad to say magwawakas na sana more projects naman. ang ganda ng teleserye nila nakakalilig clng dalwa yan lng ang lgi ako inaabangan LMB super galing nila.”

“Thnk you GMA for giving another project for beauty and kelvin bagay n bagay cla.”

“Sana may book 2 po ang LMB sobra nakakakilig at ang ganda panoorn nkakainlove sila bagay po sila makatambal sna sila uli magkaparehas.”

“Season 2 please kinikilig ako sa inyo Miss Bridgette at Marcus. Bgay kau nkkawala ng stress lakas ng chemistry nyo.”

“My wife lovez them so much, we always watch your teleserye. God bless you both, good chemistry!”

“Ung story is she was college prof but has secret relationship w/ a student doon umiikot un kwen2 to be in love again fr. Broken married then  w/young bachelor d Ko type un kwen2 but I watch minsan.”

“I hope sana wala na sana dalawa nman sila ni mickey anu ba kayo bakit ba pinag sisiksikan niyu si kelvin kay ms beauty eh dh nman sila bagay.”

“Oo nga sinabi niya yan sa chika minute ..we love you miss beauty aka miss Bridgette sobrang lakas nang Chemistry niyo ni Kelvin aka Marcus.sana marami pa kayong pagsasamahang project together.”

“Sana extended… or else prime time naman kasi ang ganda ng chemistry nila bago sa mata ang loveteam, hindi nakakaumay tingnan. Si Beauty kasi  grabe kung umarte. bagay sila ni kevin sana more teleserye naman for them. please GMA  pulso ng manonood ang pakinggan ninyo kasi tiyak tatangkilikin yan.”

“MY TEACHER TOLD ME TO SOLVE THE PROBLEM ON THE BOARD, SO I WENT UP AND ERASED THE PROBLEM, PROBLEM SOLVE! I’M AN ALPHA KID.”

“I love you both. napapasaya nio kaming Manunuod. Kinikilig ako kahit may edad na at may mga Apo na ako. pag nag Saturday at Sunday nalulungkot ako Kasi Wala kau sa paningin ko. I wish na mag tagal pa Ang inyong palabas at Tambalan. Bagay kau.”

“Dito ako na hooked sa dramang ito. Ang gandA kasi ng story realistic siya at unique. Maganda rin ang team up ni kelvin at beauty dito. Nandun yung spark at kilig factor between them. ibang level yung chemistry on screen.”

“The best series ever. The trending love team of afternoon drama series. Hope to see them in another project as a love team together. Mapa primetime ba or Afternoon drama sa hapon. Ang daming kinilig umiyak napasaya at nainspired sa dramang ito. #KELTY.”

Sa huling linggo ng serye sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., asahan na ang sunud-sunod pang pasabog ng buong cast. Ang tanong lang, magkaroon nga kaya ng happy ending ang masalimuot ngunit great love story nina Marcus at Miss Bridgette.”

The post Sigaw ng fans nina Beauty at Kelvin: Please naman GMA, sana may book 2 ang Miss Bridgette! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments