Sharon Cuneta
HANGGANG ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng mga epal at bastos na bashers ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil sa mas lalo pang umiinit na isyu sa politika.
Naiipit ngayon ang singer-actress sa pagsasalpukan ng dalawang lalaking malapit sa kanyang buhay sa darating na 2022 national elections.
Maglalaban kasi sa pagkabise-presidente ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinana at tiyuhing si Sen. Tito Sotto na asawa ng pinakamamahal niyang tiyahing si Helen Gamboa (kapatid ng yumaong nanah niya na si Elaine Cuneta).
At dahil nga rito, target ngayon ng mga haters at trolls si Sharon na sinasabing kampi sa mga makakalaban ng kanyang mister pati sa mga kontra sa runningmate nitong si Vice-President Leni Robredo na tatakbo namang presidente.
Mula nang ibandera ni Mega ang pagsuporta kina Kiko at Leni sa kanyang social media accounts ay hindi na siya tinigilan ng mga bashers, talagang kaliwa’t kanang batikos ang inaabot niya ngayon.
Sa kanyang Instagram account, muling nag-post si Sharon ng isang photo message na pinaniniwalaang may konek pa rin sa pangnenega sa kanya sa socmed.
Mababasa rito ang mga katagang, “Apparently, when you treat people the same way they treat you they get offended.”
Sa inilagay niyang caption, inamin ni Sharon na wala ka talagang laban sa bashers dahil kapag pinatulan mo ang mga ito ay ikaw pa ang palalabasing masama.
Sey ng movie icon, “Pag sumagot ka sa bashers, galit sila. Kahit di ikaw ang nag-umpisa at nagrereact, nagsasabi lang ng facts.
“At least pinapakita nila ang 2016 pa nating alam: sumobra na ang pambabastos sa kapwa.”
Nauna nga rito, nagbahagi ng mahabang mensahe si Shawie matapos makatanggap ng sandamakmak na batikos.
“I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko.
“Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.
“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino,” sabi ni Mega.
Pagpapatuloy pa niya, “Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo?
“Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na.
“Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal. Ngayon, ganito na—bastusan. Yan ang dapat ma-erase,” aniya pa.
Hamon ng basher kay Sharon: Share mo kaya mga blessings mo yung walang camera, ha!
The post Sharon sa mga ‘negatron’: 2016 pa natin alam, sumobra na ang pambabastos nila sa kapwa! appeared first on Bandera.
0 Comments