KALAT na sa social media ang stand ng senatorial aspirant Raffy Tulfo hinggil sa isyu ng mga Marcos.
Sa naging pahayag kasi ni Raffy sa ANC “Headstart” noong Lunes, sinabi niyong dapat ay hayaan na lang ang korte ukol sa ill-gotten wealth issues laban sa pamilya ng mga Marcos.
“Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Why would he apologize for something that he did noy di, na ang may kagagawan ay tatay niya? Opinyon ko yan,” saad nito sa kaniyang interview.
Dagdag pa niya, unfair raw para kay Bongbong na humingi ng tawad para sa mga kasalanan ng kaniyang pamilya dahil kahit siya ay naging biktima raw ng ganitong sitwasyon.
“Nangyari na sa akin ‘yan, ilang beses na. May mga issue ang mga kapatid ko and yet, itinuturo sa akin na kasabwat ako. Sinasabihan rin ako na ‘mag-sorry ka, isauli nyo yan’. Ang sinasabi ko, ‘Why? Anong kinalaman ko dyan? Bakit ako magso-sorry? I don’t have anything to do with it’,” pagbabahagi ni Raffy.
Agad namang pumalag ang Kapuso anchor na si Atom Araullo sa naging pahayag ni Raffy.
Sa kanyang twitter account, ni-retweet nito mula sa Inquirer.net ang naging pahayag ni Raffy Tulfo.
“1. Umamin/Acknowledge, 2. Humingi ng tawad/Apologize, 3. Isauli ang ninakaw/Return ill-gotten wealth,” saad ni Atom.
“Lalong mahalaga ang 2 and 3 kung nakinabang at pinagtakpan ang ‘kasalanan’ sa mahabang pnahon. Bukod pa ang usapin ng kriminal na pananagutan, kung meron man,” dagdag pa nito.
Pumalag rin ang ilang netizens lalo na ang mga taong mismong nakasaksi ng pang-aabuso ng mga Marcos noong Martial Law.
“Marcos Jr. was not an idle, innocent bystander during the time his father was plundering the nation’s coffers or jailing and torturinf political dissidents,” saad ng Campaign Against the Returb of the Marcoses and Martial Law sa isang pahayag.
“He benefited from and enabled the sind of his fayher as much as he had sins of his own, especially when Marcos Jr. held key government positions during his father’s dictatorship,” dagdag pa nito.
Naging vice governor ng Ilocos Norte si Bongbong Marcos noong 1980 hanggang 1983. Na-appoint rin ito bilang chairman of the board ng Philippinr Communications Satellite Corporation noong 1985.
Karagdagang ulat:
Raffy Tulfo nalagasan ng libu-libong subscribers sa YouTube, dahil nga kaya sa pagkanta sa ASAP?
Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba?
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
The post Raffy sinabing hindi kailangang mag-sorry ni Bongbong sa kasalanang ginawa ng ama; Atom Araullo pumalag appeared first on Bandera.
0 Comments