SIMULA sa Martes, Oktubre 19 ay mapapanood na sa TV drama series na “Nina Nino” si Piolo Pascual sa karakter na Mayor Charles Juarez na dadayo sa Barangay Sta. Ynez dahil may gusto siyang alamin.
Nang malaman ng suppporters ng aktor na mapapanood na siya sa serye nina Maja Salvador at Noel Comia Jr. plus Empoy Marquez ay marami ang natuwa at nagsabing aabangan nila si Papa P dahil na-miss na nilang makita ulit ito sa telebisyon pagkatapos ng Sunday Noontime Live.
Ito kasi ang ikalawang exposure ni Piolo sa TV5 pagkatapos mawala sa ere ang programang “Sunday Noontime Live” o SNL kung saan unang nakasama ng aktor ang bida ng “Nina Nino” na si Maja bilang co-host kasama rin si 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Ayon kay Papa P, “I’ve seen how Maja has evolved as a performer. Maja is such a chameleon and she’s blessed with the right energy and attitude. I never felt as if I wasn’t part of the team when I was there, she made sure that everyone would feel at ease with her around.”
First time sumabak ni Piolo sa lock-in taping para sa “Nina Nino” at madali siyang nakapag-adjust dahil sa maganda ang samahan sa buong set bukod pa sa mainit na pagtanggap ng mga mamayan sa lugar kung saan sila nagte-taping.
Ayon sa aktor, “The LGU was very supportive and the bubble community is advantageous since no one is allowed in and out and people are limited, so, even the crew and production staff were used as talents and everyone was very respectful of each other’s concerns.”
Dagdag pa, “We lived in different houses and followed all the necessary requirements to be able to move around and make Sta. Ynez looked real. I really felt as If everyone welcomed me with open arms into their community.”
Abangan ang journey ni Piolo sa “Nina Nino” na napapanood tuwing Lunes, Martes at Huwebes sa ganap na 7:15p.m. sa TV5 produced ng Cignal Entertainment and CS Studios mula sa direksyon ni Thop Nazareno.
* * *
Ano kayang mangyayari kapag nagsanib puwersa ang dalawang malakas ang personalidad at parehong madaldal na sina Ali Sotto at Pat-P Daza?
Abangan sa Lunes, Oktubre 18 sina Ali at Pat-P sa morning TV-radio experience na hatid ng NET25 na may titulong “Ano Sa Palagay ‘Nyo?”
Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalakeng broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.
Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.
“Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.
“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” say naman ni Pat-P.
Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P.
Anyway, simula Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga ay tutukan na sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.
At puwede ring makibahagi sa talakayan, mapa-tungkol sa politika, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya na importanteng marinig ang boses ng sambayanan.
Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.
The post Piolo Pascual bibida bilang mayor sa ‘Niña Niño’; Show nina Ali at Pat-P aarangkada na appeared first on Bandera.
0 Comments