Neri Naig at Chito Miranda
NAGBIGAY ng patikim ang aktres na si Neri Miranda sa mga bonggang pagbabago sa nabili nilang farm ng asawang si Chito Miranda sa Alfonso, Cavite.
Ibinahagi ni Neri sa kanyang social media followers na nagsimula na silang magtanim sa malawak nilang property ng iba’t ibang fruit-bearing trees.
Nag-post ang wais na misis ni Chito sa Instagram post ng ilang litrato na kuha sa iba’t ibang bahagi ng Miranda Farm. Ilan sa nakatanim sa kanilang farm ay mga puno ng mangga, rambutan, lansones, saging, pomelo, dragon fruit at marami pang iba.
“Ayaaaaan na! Nag-uumpisa nang taniman ng kung ano anong mga fruit bearing trees sa Miranda’s Farm.
“Lahat ng klase ng manga at saging, meron! May mga lanzones, rambutan, kalamansi, mangosteen, avocado, santol, langka, duhat, cacao, lemon, dwarf coconut, macapuno, bayabas, papaya, siniguelas, longgan, sili, kasoy, kamias, tamarind, chico, pomelo, dragon fruit, at atis. May nakalimutan pa ba ako? Hehe!
“Maglalagay din ako ng vegetable garden tapos may herbs dun at strawberries!
“Tapos sa gitna magpapagawa ako ng pergola then may mahabang lamesa para pwedeng magpicnic. Masarap mag ihaw ihaw dun!” kuwento ni Neri.
Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami
Aniya pa sa caption ng kanyang IG post, “May gagawa na rin ng grape garden. 50-100 sq m ang papagawa ko para sa red cardinal grapes na rooted cutting from Pangasinan.
“Nakaka excite kase dahan dahan na natutupad yung dream farm ko, hihi! Tapos farmhouse naman ang sunod na papagawa kapag may budget na ulit,” sabi pa ng aktres.
Sey pa ni Neri, pwede na silang mag-ani ng kanilang mga tanim makalipas ang isang taon, “After a year, may mahaharvest na kami sa ibang mga tinanim. Luto-lutuan sa bakuran.
“Hopefully may fish pond na rin kami kung saan makakabingwit ang mga bata ng tilapia at yun ang iihaw namin, hihi!” dagdag pang chika ni Neri Naig.
The post Neri, Chito nagsimula nang magtanim ng mga puno sa Miranda Farm: After a year, may maha-harvest na kami appeared first on Bandera.
0 Comments