Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kim sa lahat ng nambu-bully sa kanya: Ang sakit-sakit naman…tao lang din kami

Kim Chiu

BAKIT nga ba paboritong i-bully ng mga bashers si Kim Chiu? Parati kasing napapansin ang bawa’t kilos at salita niya kahit pa maganda naman ang motibo niya.

Kuwento ni Kim sa panayam ni  Miguel Dumaual ng ABS-CBN News, “Last year was the super challenging year talaga for me to deal with those people.”

Ang tinutukoy ng isa sa “It’s Showtime” host ay ang sinabi niyang “bawal lumabas” na nag-viral at ginawan ng napakaraming memes at sa huli ay naging kanta pa mga na may iba-ibang version.

Pakiwari ng dalaga, binabantayan ng netizens ang bawa’t kilos niya at galaw dahil lahat nga ng gawin niya ay pinapansin.

“For me, learn from your mistakes. And then take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao din naman kami.

“Pag may nagsasabi sa ‘yong, ‘Ang tanga-tanga mo,’ ang sakit-sakit naman. Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng ‘tanga’?

“Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things? Nasi-segregate ko na ‘yung people who can actually hurt me and people who can just pass by,” paliwanag ng aktres.

Sa kabilang banda ay iniintindi na lang niya ang lahat dahil alam niya na mahirap ang buhay at hindi madaling tahakin ito dahil sa 15 taon niya sa showbiz industry ay na-experience niya lahat.

“There is no easy life. ‘Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo? So that’s part of it. ‘Yung showbiz career, parang life line — up, down, up, down as long as it’s doing that, buhay ka pa, okay pa ‘yun,” pahayag pa ni Kim.

Labis na pinasasalamatan ng aktres ang kanyang mga tagahanga dahil hindi siya iniwan sa lahat ng oras, “Ang dami-dami nang nangyari, nandiyan pa rin talaga sila. Hindi sila nag-give up. Hindi sila, ‘Ay, nakakapagod na kay Kim, ayaw na namin.’

“‘Yung time and effort na ibinibigay nila para sa akin, ang laki ng mga puso nila. Para bigyan nila ako ng ganitong oras, ganitong pagmamahal, ganitong pakikipaglaban just to show na mahal nila ako, and they’re there for me. I consider myself lucky, kasi hindi sila nawala,” pagtatapos ng dalaga.

Kim Chiu may dalawang pangarap bago sumali sa PBB

The post Kim sa lahat ng nambu-bully sa kanya: Ang sakit-sakit naman…tao lang din kami appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments