Jay Manalo, Angeli Khang at Sean de Guzman
SEXY movie ang “Mahjong Nights” na idinirek ni Law Fajardo at pagbibidahan nina Angeli Khang, Sean de Guzman at Jay Manalo produced by Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa Nob. 12.
Ano nga ba ang pagkakaiba ng “Mahjong Nights” sa “Nerisa” na isa ring sexy movie kung saan bumida naman si Cindy Miranda na si Law Fajardo rin ang direktor.
“When we presented the concept of Mahjong Nights sa Viva, they liked the script. Actually, to be honest wala akong hope na magawa ‘yung film. Nagulat ako na binigyan nila (Viva bosses) ng green light ‘yung project.
“Bago ako nabigyan to do this project, nagkaroon ako ng discovery. Una, ‘yung script mismo ng Mahjong Nights medyo naka-cater talaga sa erotic (scenes) at siyempre ‘yun ang pelikula (kabuuan).
“Nu’ng ginawa na namin, nagkaroon ako ng realization na me as a filmmaker ay may boses tayo na masi-share sa audience na kung anong klaseng movie ang ipapakita natin.
“Happy naman ako na naipakita ‘yung vision ko sa mga kababaihan na nakapiit during pandemic. That’s why we are excited for this film because hindi lang ito erotic kundi may message para sa perpetrator,” paliwanag ng direktor.
At tungkol naman sa cast na sina Jay, Angeli at Sean ay natuwa si direk Law dahil mga nakikinig, mahuhusay at mabilis pumik-ap sa improvisation or ad-libbing.
“Si Jay given na mas gusto niya ‘yung puro emosyon parati na me as a director okay ako do’n mas problem solving na nasa set hindi na sa script. So kung ano ‘yung available, ano ‘yung totoo sa moment na ‘yun ang ginagamit namin.
“Working with them mabilis lang, napaka-smooth ng shoot. Si Angeli na baguhan, cooperative rin lalo na sa hirap mag-shoot ngayon sa estado ng isyu sa health. Happy ako sa performances nila, lahat-lahat sila,” kuwento ni direk Law.
Iilan lang daw sila sa set dahil siya ay konti lang din ang isinama niyang staff na nasa 30 lang plus 8 actors kaya wala pa silang 50 katao base sa ipinatutupad ng IATF.
Sa tanong kung bakit mas kailangan panoorin ang “Mahjong Nights” kumpara sa ibang sexy movies ngayon, “Because of Angeli Kang!” mabilis na sagot ni direk Law sabay tawa.
Dagdag nito, “Well aside sa performance ng mga actors na ibinigay talaga nila physically, emotionally, mentally at alam nila ang advocacy na ito ‘yung nire-represent ng role (artista). This is a pandemic movie sa context balance against women.
“So if you want to watch a pandemic movie na kung ano ang nangyayari sa isang family na na-confine sa isang bahay na mayaman o middle-class o hindi, this is happening right now. So hindi lang dito sa Pilipinas (nangyayari) kundi sa buong mundo. Nakatago lang ‘yung title na Mahjong Nights, this movie ay may sinasabi,” paliwanag pa ng direktor.
Kasama rin sa pelikula sina Mickey Ferriols, Jamilla Obispo at Arnel Ignacio.
Mapapanood na rin ang lahat ng contents ng Vivamax sa ibang bansa tulad ng Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, at Middle East at Europe.
Angeli Khang bibida sa ‘Mahjong Nights’; suportado ng ina sa pagpapa-sexy
The post Jay, Angeli, Sean walang arte-arte sa shooting ng ‘Mahjong Nights’, lahat palaban appeared first on Bandera.
0 Comments