Klea Pineda at Jak Roberto
SA wakas, binigyan na rin ng GMA 7 ang Kapuso hunk na si Jak Roberto ng pagkakataon na maibandera sa buong universe ang kanyang pagiging drama actor.
Si Jak ang lead star sa bagong kuwentong hatid ng Kapuso mini-drama series na “Stories From the Heart”, ang “Never Say Goodbye” kung saan makakatambal niya si Klea Pineda.
“Noong ibinigay sa akin ito, natakot ako kung mapu-pull off ko ba yung character ko dahil ito yung pinaka-heavy so far, na isang buong series na gagawin ko,” pahayag ng binata sa ginanap na virtual mediacon para sa “Stories From the Heart: Never Say Goodbye.”
Inamin naman ng aktor na talagang gusto niyang maipakita sa manonood ang kakayahan niya bilang isang dramatic actor at hindi lang basta ang pagiging Pambansang Abs.
“Yes po, sa totoo lang, matagal ko na pong ini-aim na ma-prove ko ang acting ko sa drama. Kasi most of the time, ang mga ginagampanan ko is mga romcom, gag show, di ba?” sabi pa ng boyfriend ni Barbie Forteza na unang nakilala bilang komedyante sa “Bubble Gang” na laging nakahubad kaya laging may pasilip na abs.
Ayon kay Jak, talagang pinaghandaan niya ang nasabing proyekto dahil ayaw niyang mapahiya sa mga bossing ng GMA at sa milyun-milyong Kapuso viewers.
Natakot daw talaga siya nang ialok sa kanya ang “Never Say Goodbye”, “Kasi before, yung Magpakailanman, two days lang, nagagawa naman.
“Yung experience ko sa Magpakailanman, parang ita-times ko siya sa 18 days or ilang weeks na episode. Grabe, noong ibinigay sa akin, sabi ko, ibibigay ko ang lahat ko sa show na ‘to kasi, kung hindi, kailan pa?
“Very thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng ganitong opportunity and kina-cast nila ako sa mga ganitong klaseng roles.
“And this one, masasabi ko na isa ito sa pinaka-proud ako na project ko and sa support din ng mga cast, director and production. Sobrang hindi ako nahirapan at talagang nagkatulungan lahat,” ang pahayag pa ni Jak.
Jak ipatatayo na ang ultimate dream house; Barbie may 2 request sa bahay ng dyowa
Samantala, dahil nga medyo mabigat ang tema ng serye na tatalakay sa pinagdaraanan ng isang taong may cancer (na gagampanan ni Klea) at ng lalaking tunay na nagmamahal sa kanya, natanong si Jak kung paano ito makakaapekto sa mga manonood.
Tugon ni Jak, “Actually, ito pong mini-series namin, tungkol po talaga siya sa buhay ng tao. All the way na na-shoot namin siya, talagang kudos sa creative team, sa director.
“Magbibigay po ito ng inspiration sa lahat na kumbaga, ang pinagdadaanan natin na ito, maliit na bagay lang ito kumpara sa mga taong dumaranas na may cancer or yung mga taong less ang opportunity. Hindi nabigyan ng pagkakataon para i-enjoy ang buhay.
“So for me, maraming mari-realize ang mga tao. Maa-appreciate mo ang loved ones mo, magkakaroon ka ng firm na decision sa buhay mo.
“And yung pagtatrabaho mo, magkakaroon ka ng sense and goal. Ganun yung naramdaman ko noong binasa ko ang script,” pahayag ni Jak.
Magsisimula na ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa direksyon ni Paul Sta. Ana ngayong gabi, Oct. 18 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Nagbabagang Luha.”
The post Jak Roberto natakot nang ialok sa kanya ang ‘Never Say Goodbye’: Mabigyan ko kaya siya ng hustisya? appeared first on Bandera.
0 Comments