Vilma Santos
NAGDESISYON na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos na magpahinga muna sa mundo ng politika.
Ibinalita ng veteran award-winning actress at kasakuluyang kongresista sa 6th District ng Batangas na hindi na siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa 2022 elections. na magpahinga muna sa mundo ng politika.
Ibinalita ng veteran award-winning actress at kasakuluyang kongresista sa 6th District ng Batangas na hindi na siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa 2022 elections.
Nag-post si Ate Vi ng kanyang official statement sa social media ngayong araw kung saan inihayag niya ang ilan sa mga rason kung bakit nagdesisyon siyang huwag nang tumakbo next year.
Unang-unang dahilan ng actress-public servant ay ang patuloy na health crisis sa bansa. Siguradong mahihirapan daw siyang mangampanya dahil sa mga ipinatutupad na health protocols kontra-COVID-19.
Paliwanag ni Ate Vi, “After careful consideration of the present situation especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective position in the May 2022 elections.”
Ipinagdiinan naman niya na, “Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.”
Dagdag pa ng aktres, “I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve in the best way I can even in my private capacity.
“Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo! Sa lahat ng nagtiwala at patuloy na sumusuporta sa akin, maraming, maraming Salamat po.
“Pagpalain tayo ng Poong Maykapal,” lahad pa ng Star for All Seasons.
Taong 1998 nang magsimula ang political career ni Ate Vi nang mahalal siya bilang mayor ng Lipa City, Batangas.
Nang matapos ang tatlo niyang termino bilang alkalde, nagsilbi naman siya bilang kauna-unahang babaeng gobernadora ng Batangas noong 2007. Tumagal ang panunungkulan niya hanggang 2016.
Pagkatapos nito nanalo uli siya noong 2016 bilang representative ng ikaanim na distrito ng Batangas at nanunungkulan nga roon hanggang sa kasalukuyan.
The post Ate Vi hindi na tatakbo sa 2022: Pero hindi ibig sabihin titigil na ako sa pagseserbisyo appeared first on Bandera.
0 Comments